Love will come and love will go
But you can make it on your own
Sing that song, go, oh won't you leave me now
Napaungol ako at tinakpan ang aking mukha ng unan tapos napaiba ng ayos sa pagkahinga. Sino kaya ang tumatawag sa akin ng ganitong oras ng araw? Tanong sa sarili habang mas lalong diniin ang unan sa aking tenga.
People grow, and fall apart
But you can mend your broken heart
Take it back, oh won't you leave me now
I squeeze my eyes shut and let out another groan. Hindi ko na talaga kaya. Tinanggal ko ang unan sa aking ulo at napabangon tapos kinapa sa aking higaan ang aking cellphone. Habang kumakapa ang kamay ko kung nasaan nagsusuot ang aking cellphone ay napatingin ako sa relo sa aking bedside table at napamura. It was still five thirty in the morning.
“This caller makes sure that whatever he or she is calling for is important.” Sabi ko sa sarili ng nakapa ko na yong cellphone ko na halos nasa may paanan na ng higaan. At ako’y napabuntong hininga ng makita kung sino ang tumawag at sinagot yon.
“Hello.” Binagsak ko ang katawan ko sa higaan.
“Hello Eliza.” Masayang bati ni Blake sa kabilang linya. “Nagising ba kita?”
“Hin..di…na distorbo mo lang naman ang beauty rest ko.” I answered rather sarcastically.
Natawa ito sa kabilang linya. At feeling talaga niya ay nakakatawa ang pagiistorbo ng tulog ng ibang tao. Ay Blake, kung hindi lang talaga kita mahal ay sinapak na kita.
“Sorry Eliza.” Pagpatawad nito. “Hindi ko naman sinasadya na magising ka ng ganito ka-aga.”
Napabuntong hininga na lang ako tapos niyakap si Eros. “It’s okay, the damage had been done. Ano pala ang tinawag mo?”
“Oh right.” He replied. “It’s nothing important actually.”
Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. “Nothing important? Hindi ka naman siguro tatawag ng alas singko ng umaga kung hindi importante.” At ginising mo kaya ako ng alas singko ng umaga kaya dapat importante to. Dagdag ko sa isip ko.
“Okay, itatanong ko lang sana kung ano ang gusto mong kainin sa almusal.” Parang nahihiyang sagot nito.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, makikilig o maiinis sa sinagot niya. Napaka-ewan talaga nitong si Blake.
“Yong totoo? Yan ba talaga ang tinawag mo sa akin?”
“Hindi ba kapanipaniwala na yan ang rason ng pagtawag ko?”
Ay, ito na naman talaga kami sa tanongan naming dalawa.
“Sa tingin mo ba ay mapapaniwala mo ako sa ganun na rason na pagtawag?”
“HmM, depende na yon sa sayo. Pero naniniwala ka ba?” I could sense him smiling as he answers my questions.
“HmMm, pwedeng matulog ulit muna?”
Isang malutong na tawa ang sinagot niya sa akin. Nakatulog kaya ang mokong na to? O nakadrugs? Ang aga aga ang high kasi.
“Sagotin mo muna ang tanong ko.”
Napailing na lang ako. “Fried rice and dried fish with spicy vinegar.”
“Sinangag at tuyo at maaghang na suka. Nice.” Ulit nito sa sosyal kong sagot. “Matulog ka na ulit. Good bye.”
Kita mo yon, ginising na nga ako ng maaga bibinabaan pa ako ng phone. Napapikit na lang ako at bumitaw sa cellphone tapos niyakap si Eros. At sa mahinang tilaok ng manok ako ay natulog ulit.
BINABASA MO ANG
Just Like In The Story <COMPLETE>
Roman pour AdolescentsIt was a teenage love. a teenage love turn into a story then into reality? Paano kung ang isang fiction story na ginawa mo sa iyong hidden puppy love ay naging totoo? Totoo nga ba to? o isang panaginip lang? o isang kasinungalingan?