“I’m sorry talaga.” Paghingi ko ulit ng tawag dito. “Hindi ko naman sinasadya.”
“Sa uulitin kasi ay tumingin ka naman sa dinaraan mo.” He said in disgust as he looks at his white shirt that now has a yellow stain on the chest.
Hindi na ako nagsalita at tumango na lang dito. He also didn’t utter a word but just let out a sighed of frustration. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o hihintayin ko pa sya na magsalita. Walanghiya kasi yong babaeng kumakaway kaway pa sa akin, ayan tuloy na bangga ko na naman si Blake. Bakit kasi sa lahat pa na mababangga ko ay siya pa.
Ayaw mo noon girl? Nagkita kayo ulit and he had notice you again? Kahit na sa katangahan mo na lang diba? Sagot ng isip ko.
Hindi ko alam kung nagiging masaya ba ako o mas magiging malungkot dahil sa sinabi ng isip ko? Masaya in a point dahil nga nagkita kami at natatandaan niya ako pero malungkot naman kasi puro ang mga katangahan ko ang nakikita nya everytime na magmeet ang landas namin. Haist! Ano ba yan, I don’t want Blake’s impression of me to be clumsy and stupid.
But from the look of it ay parang ganun na ata ang impression nya sa akin. What an epic fail I am.
“Eliza!” Biglang sumulpot si Eliafie sa likod ni Blake. “Okay ka lang ba? Sorry naman..ako yong kumakaway sayo kanina.”
Ah, sya pala yon. Walanghiya ka Eliafie! Nang dahil sayo ay katangahan ko na naman ang nakita ni Blake sa akin. I mentally said as I just gave her a fake smile.
“Okay lang, hindi naman ako nasaktan.” Paliwanag ko dito. “Natapunan ko lang naman yong tshirt ni Blake ng icecream.” Dagdag ko with a hint of sarcasm.
“Ai Hala! Sorry!” Paghingi ni Eliafie ng tawad dito. “Hindi naman sinasadya, hindi ka naman siguro galit noh?” She bluntly asked Blake.
“This is my favorite tshirt, what do you think?” Sagot ni Blake sa kanya.
“Malalabhan lang yan, may Ariel naman ah.” Eliafie told him after she analyze the stain on his shirt. “Wag ka nang ma.arte dyan baka pagkamalan ka pa ni Eliza na bakla.” She then wink at me.
Teka?! Bakit ako pa? Kahit kalian kaya hindi ko pinagkamalan si Papa Blake na bakla. May bakla bang ganyan kapogi at kasnob? No, never heard of a gay that way. And if ever I would see a sign that he is turning into one ay pipikotin ko sya agad noh. Kahit hindi ko alam kung pano pero gagawin ko. Hindi kasi ako papaya na maging bakla si Blake my dear, sayang ang lahi eh.
Hindi naman sa against ko sa mga becky ha. But Blake and being gay is just a no no, a big NO NO!
Hinampas ko ang braso ni Eliafie at tumingin kay Blake na nakangiti. “Kung gusto mo ako na ang maglalaba ng tshirt mo na yan? Sisisguraduhin ko na malinis at walang matitirang mantsa.” Presenta ko na parang gaga lang.
“Nah..I don’t trust your hand with my favorite shirt.” He snorted. ‘Basta sa susunod Miss ay tumingin ka naman sa dinaraan mo ha.” And with that he just walk pass us with still annoyance in his face.
Napatingin ako sa kamay ko pagka.alis niya. May ano ba ang kamay ko at away niyang ipalaba sa akin ang shirt niya? Maganda naman ang kamay ko, medyo maliit lang sa normal pero okay naman ah.
“Tsk! Kahit nga naman ako ay hindi ko ipaglalaba ang damit ko sayo.” Eliaife second the motion as she also looks at my hands.
“Bakit naman?” I aked feeling curious why they don’t want to trust their clothes because of my hands? Ano an ang problema sa mga kamay ko?
“Masyadong malambot tignan ang kamay mo.” Sagot nito tapos kinuha ang kamay ko at pinisil pisil. “Malambot nga. Nagtatrabaho ka ba sa bahay niyo?” She ask frankly.
BINABASA MO ANG
Just Like In The Story <COMPLETE>
Teen FictionIt was a teenage love. a teenage love turn into a story then into reality? Paano kung ang isang fiction story na ginawa mo sa iyong hidden puppy love ay naging totoo? Totoo nga ba to? o isang panaginip lang? o isang kasinungalingan?