“Eliza!” Tawag sa akin ni Jerica at Katrina pagkakita nila sa akin ng umaga na yon. At parang binabantayan ata talaga nilang dalawa ang pagdating ko.
“Kamusta ang party?” They asked in unison.
“Okay naman.” Matipid na sagot ko.
“Anong okay naman? Give us details girl.” Pagpilit ni Katrina Faith sa akin.
“Ano na detail ba ang kailangan nyo?” I arched a brow at them.
“Details.” Sambit ni Jerica. “Kung ano yong ginawa nyo sa party.”
“Edi kumain.” Sagot ko.
“At?” Sabay nilang tanong. Kambal ata itong dala ng past life nila.
“At umuwi.” I added and they both frown with my answer.
“Yun lang?” Tanong ni Jerica.
“Yun lang. Bakit? Ano ba ang inaasahan nyo?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
“Something romantic.” Sagot ni Faith. “Yong nakakakilig na pangyayari, wala bang ganun?”
Napangiti ako sa sinabi niya. “Kung may ganun man…ay hindi ko sasabihin sa inyong dalawa.”
“Ay! Ang daya mo naman.” Jerica complained.
“So? May nangyari ngang ganun?” Katrina smirked mischievously.
“My lips are sealed.” Sabi ko tapos ziniper ang aking bibig. Pero parang kinilig ata si Katrina sa sagot ko dahil may pilyong ngiti ito sa labi.
“Isang tanong pa girl.” Sabi ni Jerica. “Nagkakiss ba siya after ka niyang maihatid sa inyo?”
“Kiss?” I exclaimed. “Ano kami magjowa na may kiss.” Bigla ko tuloy naalala ang paghalik ni Blake sa pisngi ko ng isang araw at parang uminit ang pisngi ko dahil sa alaala na yon.
“Eh bakit ka namumula?” Tukso ni Katrina.
“Mainit eh..” Sabi ko sabay paypay sa sarili gamit ng aking kamay. “Alam niyo naman mestiza namumula pagnaiinitan.” Palusot ko.
“Di nga?” Taas kilay na sambit ni Jerica na may ngiti sa labi.
“Oo nga.” Sabi ko tapos inayos ang strap ng bag. “Sige mauna na ako sa inyo may tataposin pa akong assignment.” Umalis agad ako bago pa marealize ni Katrina na wala kaming assignment.
“Hoy! Wala tayong assignment!” Sigaw nito at natawa na lang ako habang papunta sa kwarto. Pero bago ako makaakyat sa second floor ng science building ay may nakabangga na naman ako. Ang clumsy ko talaga.
“Sorry..” Sabay naming sambit ng nakabangga ko.
“Liz.”
Napatingin ako bigla sa nabangga ko. Si Xander pala.
“Sorry..” Sambit ko ulit at umakyat na ng hagdanan pero bago pa ako makaakyat ay hinawakan nito ang kamay ko.
“Liz..pwede ba tayong mag usap mamaya?” Tanong nito.
Ano naman ang pag uusapan namin? Di ba hindi na kami friends. Ang sakit ng pagbaliwala niya sa friendship namin ang namuo sa puso ko.
“Sorry pero busy ako.” Sagot ko sa kanya at tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nito. At walang lingon likod na umakyat ako papunta sa homeroom namin.
“May past ba kayo ni Xander?” Biglang tanong ni Katrina Faith sa akin pagkatapos ng klase namin sa Physics.
“Bakit mo naman natanong yan?” Tanong ko din sa kanya.
BINABASA MO ANG
Just Like In The Story <COMPLETE>
Teen FictionIt was a teenage love. a teenage love turn into a story then into reality? Paano kung ang isang fiction story na ginawa mo sa iyong hidden puppy love ay naging totoo? Totoo nga ba to? o isang panaginip lang? o isang kasinungalingan?