"Tara na." Sambit ko kay Blake na naghihintay sa akin pagkabukas ko ng gate.
Kinuha ni Blake ang kamay ko at pinisil ito. "Are you sure that you are ready for this?" Nag-aalala na tanong nito.
I smiled sadly. "Wala naman akong magagawa diba? I have to face his letter anyway."
Tumango siya. "Okay then let's go at parang uulan na." Tumingala siya sa kalangitan at napatingala din ako. The sky was a bit gloomy but I doubt kung uulan talaga dahil mga ilang araw na din na parang nanunukso ang langit sa pag-ulan pero wala naman ni isang patak ang nahuhulog.
"Hindi yan uulan." Sambit ko habang binabay namin ang daan papuntang sementeryo. We decided to walk going there because it was just a walking distance from our subdivision.
Tumaas ang kilay niya. "How can you tell that it isn't gonna rain? Ano ka PAGASA?"
Hinampas ko siya sa braso. "Hoy! Nagkakamali din ang PAGASA na yan noh." I said defensively. At tama naman ako, lagi pa nga nagkakamali ang PAGASA sa weather forecast na nila.
"Well, lahat naman ng tao ay nagkakamali." He shrugged his shoulder.
I rolled my eyes at him. "See, ikaw na din nagsabi na lahat ng tao nagkakamali."
"Oo kaya nga baka mali ka din na hindi uulan." Sambit nito.
"Bakit pa concern na concern ka sa ulan ha? May ano ba sa ulan?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
Tumigil ito tapos ngumiti. "Wala lang parang gusto ko lang na umulan. Andito na pala tayo, saan nga banda si Xander?"
Napatingin ako sa harap namin at andito na nga kami sa harap ng gate ng sementeryo.
"Hmmm, dito ata banda yon." Turo ko sa may left side ng sementeryo pagkapasok namin.
"Sigurado ka?" He asked.
Napabuntong hininga ako. The truth it is ay hindi ko na maalala ang libing ni Xander. Parang wala kasi ako ako sa sarili ng panahon na yon, correction wala pala talaga ako sa sarili ng panahon na yon. Basta ang alam ko lang ay ililibing na siya at kailangan ko ng magpaalam kahit ayaw ko pa.
"Hindi masyado pero parang dito kasi kami banda noon pumupunta pag Araw ng mga Patay." Sambit ko. Naalala ko kasi bigla ng mga panahon na yon na binibisita namin ang puntod ng Papa ni Xander at nagsisindi ng kandila. Xander's father died when we were still younger, mga six ata kami noon, wala kasi akong masyadong maalala sa kanya. I would only see his father on his birthday or when I visit their house.
"Okay then lead the way."
And lead the way nga naman ang ginawa ko. At tama nga naman ang naalala ko dahil nakita din naman ang puntod ni Xander, katabi ng puntod ng Papa niya.
"Okay, paano to?" Tanong ko kay Blake.
Bumuntong hininga ito tapos kinuha ang sulat ni Xander sa bulsa ng kanyang pantalon. "I guess we will both read it here."
Kinuha ko din ang sulat sa bulsa ko. "I guess that is what we will do."
*****
My Dearest Lizzy,
Feeling ko ako si Jane Bennet sa Pride and Prejudice habang sinusulat ko ang greeting na yon. Naalala mo ba Liz? Noong second year tayo? Yong panahon na addict na addict ka na sa pagbabasa ng mga libro especially ang Pride and Prejudice ni Jane Austin dahil kapangalan mo ang main character. Yong kinukulit mo ako araw-araw na basahin ko ang classic novel na yon dahil sa kapangalan mo? At binasa ko naman after halos isang buwan mong pangungulit. Sana maalala mo ang panahon na yon Liz, such a happy memory.
BINABASA MO ANG
Just Like In The Story <COMPLETE>
Teen FictionIt was a teenage love. a teenage love turn into a story then into reality? Paano kung ang isang fiction story na ginawa mo sa iyong hidden puppy love ay naging totoo? Totoo nga ba to? o isang panaginip lang? o isang kasinungalingan?