Chapter 11: Until I found You

360 30 6
                                    

Aubrielle's POV

"What? Just gonna stand there all night?" naputol ang kung ano mang eksenang naglalaro sa isipan ko ng magsalita uli siya.




Lumingon lingon ako sa paligid ko, nagbabakasakali na hindi yun imahinasyon, ngunit nasagot kaagad iyon ng madako uli ang tingin ko kay Young Lady na nakasandal pa rin sa kama niya. Nakatingin lang siya sakin na para bang naghihintay na gumalaw ako.




Ilang segundo pa akong napatunganga sa mga nangyayari, hanggang sa makaramdam ako ng pag iinit sa buong mukha ko.




'Jusko Lord! Ano yun?? bakit may paganon?!'



Napayuko ako kasabay ng pagpikit ko nang madiin, hindi ko itatangging nahihiya ako, LETCHE! Nahihiya ako sa nangyari kahit na wala naman talagang nangyari!



Ano yun?! Bakit yun?! Saan nanggaling yun?!




'nasisiraan na ba ako ng bait? Letche ka marshmellow!' sa totoo kasi niyan,huwag niyo akong husgahan ha, kahit kasi isang buwan na ang nakakalipas, ni minsan hindi natanggal sa isipan ko ang nangyari sa masikip at madilim na eskinitang yun.




Nag iinit nalang bigla ang mukha ko tuwing sumasagi sa isipan ko yung paghahalikan naming dalawa dati. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung tama ba yun? tama ba na ibinigay ko nalang basta basta yung unang halik ko? O kung tama ba na ganito ang maramdaman ko?




Ewan! Nakakalito! Kung pwede ko lang burahin sa isipan ko, matagal ko na sanang ginawa yun!



"Don't make me repeat myself, you already know that I hate it, right?" nag angat ulit ako ng tingin, naguguluhan man ay hindi mapigilang maningkit ang mga mata ko ng makita ko siyang nagkakarga ng parang alak sa hawak hawak niyang baso.




Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at mabilis na lumapit sakanyang kinauupuan, walang pasabing kinuha sa kamay niya ang wine at baso, saka ko ito ipinatong sa lamesa malayo konti sa abot niya.




"Young Lady hindi ba masyado pa kayong bata para uminom?" alam kong pangingialam na itong ginagawa ko, pero hindi ko kasi maatim na hayaan lang siya sa ginagawa niya, nakakasama yun sa kalusugan niya, eh ang bata bata pa niya. Alam ko naman na hindi masama kapag moderately lang ang pag inom,pero malay natin di ba? Gabi gabi pala siya, tapos nakakadalawang bote pa.




Napansin ko ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil ilang sentimetro nalang naman ang layo ko sakanya, tumingin uli ako sa mamahaling bote ng alak na nakapatong sa lamesa,Limoncello ang pangalan neto at kalahati nalang ang laman. Tama nga ako, marami na siyang nainom dahilan ng pamumula ng mukha niya.




Sa ngayon, walang emosyon ang mukha niya, hindi ko tuloy mawari kung galit ba siya sa pangingialam ko "Bakit niyo ho pala ako pinapunta dito Young Lady?" sinubukan kong ibaling nalang sa ibang bagay, baka sakaling palagpasin niya ako kahit ngayon lang.




Ngunit ilang segundo na ang nakakalipas ay wala akong nakuhang sagot mula sakanya,teka nakatunganga ba siya? Sabi na eh lasing na nga.




Ni hindi ko man lang kasi nakitang kumurap siya kahit na isang beses. Inulit ko ang tanong ko pero wala pa rin akong nakukuhang tugon mula sakanya.




Nakuha ko pang iwagayway ang palad ko sa tapat ng mukha niya "Young lady? Yuhoo!" doon napakurap kurap na siya.




Napaiwas siya ng tingin ng mabalik ang ulirat niya, napatikhim pa siya. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapahagikgik, ang cute niya kasi sa totoo lang.




Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now