Chapter 25: Courting and Dating

360 31 33
                                    

Aubrielle's POV

Kung may makakakita man sakin ngayon iisipin nun na ang weird ko dahil sa aking kakaibang ikinikilos. Hindi naman sa masyadong kakaiba talaga, ano lang nag iingat lang para maiwasan na may mangyari na naman sakin gaya last week na magbibigay na naman ng ideya kay Brynne na may nambubully talaga sakin, iyon ang pinakaiiwasan ko sa ngayon.




"Nakakapagtaka naman, pati dito sa locker wala" para pa naman akong shunga kaninang binubuksan ko to. Dahan dahan kasi at pikit ang isang matang binuksan ang takip neto, sanay na kasi akong may lamang kung anu anong bagay itong locker ko dahil sa pinag gagagawa ng mga siraulong yun sa nakaraang dalawang linggo.





Pati sa cafeteria, himala kasi wala silang lima na tatawa tawa sa isang sulok, as in ni anino nila hindi ko nakita. Hindi naman sa hinahanap ko sila ano po, nag iingat lang ako at hangga't maaari gusto kong matahimik na muna ang buhay ko.




'nakaday off siguro' nagkibit balikat nalang ako at inabala nalang ang sariling kunin ang librong kakailanganin ko para sa susunod na subject namin.




Medyo magaan ang pakiramdam ko ngayong araw, nakakapanibago kasi ngayon nalang ulit ako napanatag ng ganito dito sa loob ng paaralan. Halos mapapito na nga ako habang naglalakad sa kahabaan ng hallway dahil sa gaan ng nararamdaman ko, ang saya pala kapag walang nambubully sayo noh.




"kakasabi lang eh" ayun na eh, okay na, masaya na ako.




Naglaho na parang bula ang sayang nararamdaman ko ng mapansin ko ang limang tao na makakasalubong ko.....ang limang siraulo.




Tatawa tawa silang naglalakad ng magkakasama, gusto ko nalang sanang yumuko para hindi nila ako mapansin ngunit naisip ko 'bakit naman? wala naman akong ginagawang mali?' mapagpakumbaba ako, pero hindi sakanila.




Hindi pa ata nila ako napapansin dahil tuloy lang sila sa pagkukwentuhan, may pakiramdam akong kalokohan na naman ang pinagtatawanan ng mga ito, hayyy sa ugali ba naman nilang yan? May bago pa ba?





Pero aminado ako, kinakabahan ako ng konti ngayong makakasalubong ko sila at mas nadadagdagan pa lalo habang sila'y palapit nang palapit.




'Lord kahit ngayon lang, ilayo niyo ako sa sakanila'




Taimtim akong nagdadasal sa aking isipan, tinatawag lahat ng bathalang pwedeng tumulong para matahimik lang ang buhay ko kahit sana ngayong araw lang.




Ngunit bakit ganito? Hindi ko kasi maiwasang hindi sila lingonin, lalo na ng matigil sila sa pagtawa at ng mahuli ko sa gilid ng aking paningin na nasa akin na pala ang atensyon ni girl ngi--- mas mabuti siguro kung tawagin ko nalang siya sa kanyang pangalan, hindi naman pala siya ganun kasama gaya ng iniisip ko 'anong hindi?! Nahihibang ka na ba?!'




Nagtama ang mga paningin namin ni Briar, hindi siya nakangisi kaya natanggal ang kung ano mang kabang nararamdaman ko.





Pero syempre yung apat nakangisi sakin na sa palagay ko naman ay naging normal na rin para sakin. Yung determinasyon ko kaninang taas ulo ko silang haharapin? Ayun lumipad na.





Kusa kasing bumaba ang ulo ko ng hindi ko na kayang makipagsukatan pa ng tingin sakanya,hindi ko kayang tumbasan ang mga nanunuot sa pagkataong titig niya. Hindi naman sa natatakot ako ano po, walang ganun, wag niyo na rin akong tanungin kasi hindi ko alam kung paano sasagutin.





Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now