Chapter 18: Mellow

378 29 24
                                    

Aubrielle's POV

Agaran akong lumabas pagkarating ng sasakyan sa tapat ng mansion, nagpunta ako sa gilid ng sasakyan kung saan nakaupo si Young Lady at pinagbuksan ito ng pinto.





Tahimik lang siyang lumabas mula dito, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin bago pumasok ng mansion. Nagkibit balikat nalang ako, sanay na ako dun, halos mag iisang linggo na rin naman akong nasa puder niya kaya unti unti ay nasasanay na ako sa ugaling meron siya.





Pero alam niyo ba ang ipinagtataka ko lang, simula nung muntikan na kaming mapaaway dahil sa katapangang taglay ng pagmumukha ko, medyo nag iba siya o ewan, baka guni guni ko lang? Baka naman matagal na talaga siyang ganun?





"Ako na magbubuhat ng bag niyo Young Lady" pagbubulontaryo ko, agad naman niyang iniwas ang dala dala niyang bag.





Natigil kami dito sa baba ng malaking hagdan, nakatingala ako ngayon sakanya buhat na rin na nakailang hakbang na siya sa hagdanan at ako naman naiwan nalang dito sa ibaba.





"No need, and don't come along either, kaya ko na" napanguso nalang ako sa naging utos niya.





Ito yung sinasabi ko eh, ayaw na niyang sinasamahan ko siya lagi, kumbaga bilang nalang sa daliri ang silbi ko sakanya.





Hindi na rin naulit pa ang pagpunta ko sa kwarto niya sa gabi, pati nga sa umaga eh, sa harapan ng mansion nalang kami nagtatagpo, may ganun ba? Ano nalang pala ang silbi ko? Taga bukas lang ng pintuan ng sasakyan? Taga sunod kung saan man siya pupunta sa school? Taga langhap pabango niya? Ganun ba?





"Sige Young Lady, pahinga kayo ha" tumalikod na ako pagkatapos, iniwan ko siyang nakatulala sa may hagdan, ewan ko ba dun bigla bigla nalang napatigil, baka may iniisip siguro.





At habang naglalakad nga ako papunta sa quarter namin ay sinubukan kong mag isip ng magandang pampalipas oras, ang aga pa kasi, kakalubog nga lang din ng haring araw eh.





"Oh Elle kamusta ang araw mo?" Si manang Cecile na papunta ngayon sa mansion. Natigil kami pareho saglit sa gitna ng daanan para makapag usap ng maayos, ang bastos naman kasi kung dadaanan ko lang siya.





"Okay naman po manang, gaya ng dati marami uli akong natutunan" pwera nalang sa subject naming math, sumakit ang ulo ko dun kakaintindi ng topic namin,kahit sino naman siguro maliban nalang sa mga ipinanganak ng matalino.





"Mabuti naman kung ganoon, oh siya kung nagugutom ka na mauna ka ng kumain doon, nakaluto na kami ng hapunan" pinakiramdaman ko ng ilang segundo ang sarili ko kung nagugutom na ba ako,napahimas pa ako kunyari sa tiyan ko, kaso hindi pa eh, mamaya nalang siguro.





"Hindi pa po ako nagugutom manang eh, saan po ba kayo pupunta?" sa katunayan may ideya ako kung saan siya pupunta,hindi ko naman tinanong pero nakikita ko kasi na tuwing hapunan o kapag dumarating si Young lady galing sa school, si manang Cecile ang nagdadala ng meryenda o di kaya'y ang panghapunan niya.





"Dadalhan ko lang ng pagkain si Young Lady sa kanyang silid" nangingiting tugon niya, oh di ba tama ako.





Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now