Aubrielle's POV
Knock knock knock
Paunti unti kong iminulat ang mga mata ko kahit na medyo mahapdi pa ang mga ito. Ganito talaga kapag medyo kinulang sa tulog, daig pa yung napuyat sa sobrang hapdi.
'pero teka....kinulang ba talaga?'
"Elle? Gising ka na ba?" boses yun ni Manang Cecil. Ano kaya kailangan niya, ang aga pa naman ah.
"Opo manang!" paos na sigaw ko, kinusot kusot ko na muna ang mga mata ko para makapag adjust ng konti sa liwanag na nanggagaling sa bintana ko. Huh? Bakit ang liwanag?
"Salamat naman kung ganun, halla sige mag ayos ka na at ilang minuto nalang ay malelate ka na" hindi muna nagprocess sa utak ko ang naging pahayag niya, medyo sabaw pa kasi ako kasi nga kakagising ko lang.
Nang medyo matanggal na ang hapdi sa mata ko ay napako ang tingin ko sa orasan na nasa ibaba ng mesa ko "6:45 am" basa ko dito.
Napakurap kurap ako ng ilang segundo, bumalik din ang sinabi ni Manang Cecil na ilang minuto nalang ay malelate na ako.
"Letche flan!!!"bulalas ko sabay sabunot ko sa magulong buhok ko. Dali dali akong tumayo, at hindi na nagsayang pa ng oras, kumaripas ako ng takbo papuntang banyo pagkakuha ko ng tuwalya na nakasabit lang sa ding ding ng kwarto ko.
Agad agad kong hinubad ang suot ko, at ngayon ko lang din napagtanto na hindi na pala ako nakapagpalit pa kahapon, suot suot ko pa kasi yung uniporme ko, hayyy ano ba yan marshmellow!
Ilang minuto lang ang itinagal ng paliligo at pag aayos ko. Ni hindi ko na nga alam kung okay ba itong pagkakasuot ko sa school uniform ko.
Kumaripas ako ng takbo dala dala ang bag ko habang sinusuklay ang may kahabaang buhok ko. Saktong 7 am ng makarating ako sa tapat ng kwarto ni Young Lady.
At kahit pa na alam ko namang hindi maganda sa buhok ang pagpusod ko dito ng basa ay wala akong magagawa, ipinusod ko pa rin ito base na rin sa dress code ng isang butler.
Siguro ay nagtataka kayo kung bakit makakapasok pa rin ako sa bagong paaralan ko kahit pa na dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng magsimula ang pasukan, sa katunayan niyan ay........ maski ako rin nagtataka kaya hindi ko kayo masasagot diyan.
Sila kasi ang nagprocess sa lahat lahat kaya wala akong ideya, pati nga requirements ko sa dati kong school sila na rin ang kumuha. May natapos naman akong tatlong buwan noong nakaraang taon bago ako tumigil kaya siguro tinanggap pa rin nila ako kahit na medyo alanganin.
"Oh elle kakarating mo lang?" napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Ate Lisa, may dala dala siyang tray ng pagkain.
"Oo ate eh, napasarap ang tulog" nahihiyang tugon ko "para kay Young Lady ba yan?" natatawa siyang tumango.
"Ayan puyat pa" inismidan ko siya ng unti, late na nga yung tao tinatawanan pa.
"Ako na magdadala sa loob ate, akin na" marahan kong kinuha ang tray sakanya, nagpaalam na rin naman siya pagkatapos.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi matakam sa pagkain na hawak ko, may pawaffles, syrup, scrambled egg, bacon, may gatas din, at may isang basong smoothie ata to.
'nakalimutan ko palang kumain' bakit ba kasi ako nalate ng gising?! tsk! Naiinis pa naman ako kapag gutom! Gaya ng tiyan ko, mag aala tigre ako sa bangis, joke hanggang pusa lang ako.
YOU ARE READING
Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)
RomansaAn adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler, Aubrielle Marshmellow Santa Ana.