Chapter 20: Out of focus

392 30 31
                                    

Aubrielle's POV

"Hoy! Malunod ka diyan!" halos mapalundag ang katawan ko ng gulatin ako bigla ni ate Lisa, malamang may manggugulat ba na sasabihan ka muna?




Sinamaan ko siya ng tingin, hindi niya ito pinansin at parang casual lang na naupo sa tabi ko at saka kumuha ng plato.




"Ikaw ha, napapadalas na yang pagkatulala mo, kanina ka pa" saad pa niya uli habang abala sa pagkuha ng pagkain.




Tanghalian na ngayon at nandito ako sa kusina, mag isang kumakain. Oo mag isa kanina bago pa man dumating si ate Lisa dahil naiwanan na ako ng mga kasama ko. Hindi ko kasi matapos tapos ang pagkain ko kakaisip sa nangyaring halikan kagabi.




Akala ko kasi talaga panaginip lang yun, nagpakampante ako. Oo jusko! Napakashunga ko!!! Gumanti ako sa halik ni Brynne!!!




Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader ng paulit ulit dahil akala ko talaga hindi yun totoo. Sising sisi ako kasi paano nalang kapag nagkita ulit kami? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko?




Sarap na sarap ako sa halikan namin ni hindi ko nga namalayang naglakbay na pala ang mga nadedemonyo kong kamay, napadako ang mga ito sa may bandang likuran niya!!!




'jusko talaga! nakakahiya!'




"Oh bat ang pula na ng mukha mo? Hoy ano yan ha? Kalaswaan noh?" nahampas ko si ate Lisa sa sobrang hiya, ganun na ba ako kadaling basahin?




"Hi-hindi ah, ano lang ate, mainit lang kasi ngayon" ngumisi lang siya ng nakakaloko na tila ba hindi naniniwala sa sagot ko.




"Hay wag ako elle, halata naman sa mukha mo eh, ikaw ha sino yan?" mas naramdaman ko ang pag iinit lalo ng pisngi ko dahil sumagi sa isip ko ang imahe ni Brynne na nakangiti sakin na tila ba'y nang aakit.




"Ate naman eh! Wala nga, mainit lang talaga" pagdedeny ko pa rin, alangan naman kasing umamin tayo di ba? Mas lalo lang tayong aasarin pag nagkataon, ang tindi pa naman niya mang asar at isa pa bawal!





"Ehh talaga ba??? sabihin mo nalang kasi, promise secret lang natin" tumaas taas pa ang dalawang guhit na kilay niya.




Hinampas ko uli siya, yung mahina lang bago ako natawa "wala nga ate ang kulit" sakto namang may naamoy akong pamilyar pagkatapos kong matawa sa kasama ko.





'oh em gee! totoo ba to?!' akala ko kasi hindi ko siya masisilayan ngayong araw. Sinabihan kasi akong day off ko ngayon, wala din silang magaganap na pagsasalo salo ngayong araw kahit pa na linggo dahil pare parehong wala ang mga magulang ni Brynne pati na ang lolo niya. Ang balita ko ay nasa ibang bansa sila para ayusin at palawakin pa ang kanilang negosyo.




"Ehemmm!"




Sabay na umikot ang ulo at katawan namin ni ate Lisa sa likuran namin at ganun nalang din kabilis ang paglaki ng mata namin pareho. Alam ko naman na siya yun sa pabango palang pero iba pa rin talaga kapag nakita mo ng siya nga talaga.




"Young lady? May kailangan po ba kayo?" gulat na tanong ni ate Lisa. Sumulyap si Young Lady sakanya saglit bago ito ibinaling sakin.




"You, come with me" tinuro ko pa ang sarili ko para lang makasigurado. Tumango siya, tumalikod siya pagkatapos nun at saka nagsimulang maglakad.




Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now