Chapter 6: Dilemma

342 25 1
                                    

Aubrielle's POV

"Nay nandito na po ako" pagbungad ko palang sa pintuan ay agad na sumalubong ang mga alaga kong pusa.



Kung dati rati lima lang sila, ngayon anim na kasama ang itim na pusang papangalanan kong Bry, oo hinango ko siya sa pangalan ng babaeng nakausap ko kanina sa may plaza.



Sa tingin ko kung hindi dahil kay Bry, baka hindi ko rin siya nakilala kaya ayan, binigyan ko na ng parang remembrance ba, memorable din naman kasi sakin yung pagmimeet naming dalawa.



"Hello mga kuting ko, masaya ba kayong nakita ako?" naupo ako sa malamig at magaspang na sahig para makarga silang lahat, yung iba nga umakyat na sa may damit at balikat ko.



Isa isa ko rin pala silang hinalikan sa ulo tanda ng sobrang pagmamahal ko sakanilang anim, oo gusto kong ipaalala sakanila palagi na may mga taong kagaya ko na kaya silang ipagmalaki at mahalin.



"Oh anak buti at nakauwi ka na" si nanay, kakagaling lang sa kusina at halatang kakatapos lang din maghugas ng pinggan base na rin sa konting basa na nasa unahan ng damit niya.


Si inay medyo may katandaan na ang hitsura niya, di naaayon sa tamang gulang niya. Siguro dahil na rin sa hirap na dinanas niya sa pagpapalaki samin ng ate ko. Wala pa siyang singkwenta pero medyo nangungulubot na ang mukha niya, ngunit kung matitignan siyang mabuti, mapapansin pa rin dito na noong dalaga pa siya, may taglay siyang ganda na tiyak kong hinangad ng ibang babae.



Tumayo ako mula sa pagkakasalampak at agad na nagpunta sakanya "oo nay, medyo ginabi na nga eh, may nakilala kasi akong kakaibang babae" nagmano ako sakanya, at saka naupo sa tabi niya, dito sa nag iisang pahabang kahoy na upuan namin dito sa maliit naming sala. May maliit din kaming parisukat na mesa sa harapan, lalagyan at patungan ng mga bagay gaya ng remote.




Binuksan ko ang tv gamit ang remote na inabot ko at sakto naman na news ang mapapanood "kakaibang babae? may ganun ba? May pakpak ba yan nak?" natawa kami pareho sa naging pahayag ni inay.



"Wala naman nay, para sa akin kasi kakaiba siya, kakaiba rin yung mata niya na kulay berde tapos ang bait bait din niya" tumango tango siya habang nakatutok ang mga mata sa tv, nagdadalawang isip ako ngayon kung ikukwento ko ba sakanya yung buong pangyayari, yung paghalik, pagbayad niya ng checke at yung sinasabi niyang trabaho "nay kasi.......may sasabihin sana ako"



Nagtatakang napalingon siya sakin at halatang naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko. Nagsimula na rin akong hindi mapakali sa upuan ko 'sasabihin ko ba?' nagtatalo ang isipan ko ngayon kung tama ba na sabihin ko to.



Para kasing ang selfish ng dating sakin ng gagawin ko. Labag din sa kalooban ko na iwan si inay ng walang kasama, sa tingin ko kasi kung anu man ang trabahong tinutukoy niya, malayo dito samin, at imposibleng makauwi uwi ako kung kailan ko gusto, feeling ko lang naman yun pero sana lang hindi.



Gusto ko yung mababantayan ko pa rin si inay kahit na may trabaho ako, alam kong imposibleng mangyari yun, hindi naman kasi masamang maghangad ng ganun eh, di ba?



"ano yun nak? Huhulaan ko pa ba?" nangingiti ngayon si inay, kita niya siguro ang pag aalangan ko.



"Ano nay.....kasi ano....." putek! Umuurong yung dila ko!



"Dapat na ba akong kabahan diyan elly?" pahayag niya na sinabayan niya ng tawa. Elly pala ang tawag sakin ni inay, at ni ate, silang dalawa lang ang tumatawag sakin nun, exclusibo lang para sakanilang dalawa.



Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now