Aubrielle's POV
"Sino yun? If it's okay, may I know who's behind that meaningful song you sung earlier?" kahit na inexpect ko na ito, hindi ko pa rin maiwasan na manlamig ang buong katawan ko ng lumabas na mismo ang katanungang yun sa kanyang bibig.
Ibinaling ko ang aking tingin sa harapan at nagbabakasakali na hindi niya ito napansin. Samot saring palusot ang nagsipasukan sa isip ko ngunit wala ni isa dito ang alam kong makakapagbigay ng sapat na sagot sakanya.
'bat ba kasi kung anu anonalang ang nasasabi ko tuwing nagpaparaya ako sa bugso ng damdamin ko?'
hays, yan tuloy kailangan ko pang halughugin ang bawat sulok ng utak ko makahagilap lang ng isasagot sakanya. Pero paano kaya kung sabihin ko nalang ang totoo? di ba mas madali yun? di pa ako nahirapan?
Sige subukan mo ng mas mahirapan ka lalo Marshmellow!
"Ah yun ba?" nahinto na muna ako at saka natawa kunyari para naman daw mas kapani paniwala itong walang kabuluhan kong paliwanag "wala yun, nasabi ko lang yun kasi parte iyon ng performance ko" naguluhan siya sa naging sagot ko ayun na rin sa nakita ko ng tinapunan ko siya ng tingin. Maski ako din naman eh naguluhan di ka nag iisa Young lady.
"I don't quite understand, will you be more specific" pero bakit ang cute niya pa rin kahit na litong lito siya? Ang cute cute niya tuwing naghahalo ang pagkalito at seryoso nitong mukha. May sira na ba ako sa mata?
'hindi may sira lang ako sa buto' oo kasi nabaliko.
Nabaliko ng babaeng may berdeng mata, parang engkanto lang ano.
Napabuntong hininga na muna ako "ang sabi ko wala akong tinutukoy na tao doon, nasabi ko yun dahil na rin sa kinanta ko, para magbigay ng karagdagang impact ganun, alam mo yun para mas feel ng mga nanonood yung kanta? di ba? Gets mo yung point ko?" may point point pa akong nalalaman eh ang tanging point lang naman dun ay ang pagiging pointless nito.
"Is that so?" tumango ako, di ko na uli sinubukan pang tumingin dahil ayaw kong makita kung naniniwala siya o hindi, pero nakikiramdam pa rin naman ako "hmm it totally works though well at least for me".
Talaga? Pati yung palusot ko gumana? Unbelievable.
'Ay basta bahala na si mingming' hindi ko talaga magawang isakripisyo ang meron samin ngayon dahil lang sa umusbong na nararamdaman ko para sakanya.
Mas gugustuhin ko nalang na kimkimin ito kaysa ang magkalamat ang relasyon namin, at saka baka mawawala din to. Baka naguguluhan lang ako.
Siguro.
"Stupid mind" hindi siguro niya sinadyang iparinig iyon kasi ang hina hina ngunit magkatabi lang naman kami kaya pati ang paghinga niya ay naririnig ko. Mas lalo na yung parang naiinis niyang pahayag narinig ko.
Nagtataka ang mga matang bumaling ng tingin sakanya ngunit sa iba na pala siya nakatingin. Nakaharap siya ngayon pati na ang buong katawan niya sa kabilang direksyon. Nacurious ako kaya nagkusa ang aking kamay para makalabit siya, nakuha ko naman agad ang kanyang atensyon "sinong kausap mo?" para kasi siyang may kinakausap at inis na inis siya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/336524997-288-k170927.jpg)
YOU ARE READING
Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)
RomanceAn adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler, Aubrielle Marshmellow Santa Ana.