Chapter 30: Unexpectedly

278 24 81
                                    

Aubrielle's POV

"Ako lang ba o talagang kanina pa may nakamasid sakin?" nag angat ng ulo ang kasama ko at saka nalilitong tumingin sakin.





"Ha? Sino naman?" nagkibit balikat ako bago ilibot ang aking paningin sa paligid.





Nandito kami ngayon ni Marienne sa may lobby ng school, nasa may gilid na parte kung saan may mga upuang sofa na nagagamit ng mga estudyante para magkaroon ng tahimik na oras at kalmadong espasyo, malayo sa maingay na paligid.





Kaming dalawa lang ang nandirito sa ngayon, bakante ang iba kaya sobrang tahimik dito maliban nalang sa mga maiingay na sapatos at heels ng mga nagdadaang estudyante.





Wala naman akong nakitang kakaiba  sa paligid, wala talaga kaya nakakapagtaka kung saan nanggagaling itong pakiramdam ko na may nagmamatyag sa akin.





"Baka guni guni ko lang yun" mahinang sambit ko at saka bumalik ang aking tingin sa sinasagutan kong notebook.





Sa kasalukuyan ay gumagawa ako ng mga output na ipapasa sa susunod na linggo. Ginagawa ko na ang mga ito ngayon dahil ayaw kong maghabol ng oras bukas o sa linggo, may pupuntahan pa naman ako at baka hindi ko ito mabigyan ng oras para gawin.




"Bakit pala hindi ka sumama kay Brynne? Di ba butler ka niya? Shouldn't you be there anytime and anywhere she goes?" tinapunan ko muna ng tingin ang katabi ko bago sumagot.




"Siya nagpumilit na huwag akong sumama eh" medyo nadistract ako sa naging katanungan ni Marienne kaya nahinto ako sa pagsagot sa naghihirapang tanong na aking sinasagutan.





Tungkol pala sa boss ko, wala siya ngayon kasi nag ibang bansa 'iniwan ako mag isa' okay nagiging oa na naman ako.





Biglaan siyang nagpaalam sakin, ay hindi pala sa amin kagabi, ang importante ko naman kung sakin lang siya nagpaalam di ba?





Nagpaalam siya na lilipad patungong Italy kaninang madaling araw. Oo sa Italya para sa kaarawan ng lolo niya bukas. Akala nga namin na uuwi silang tatlo dito sa Pilipinas para dito icelebrate ang kaarawan ng lolo niya ayun na rin sa nasabi ng Mayordomo samin nung nakaraang linggo kaso nag iba bigla ang plano.




Biglaan lang talaga lahat kaya pati ako hindi ko naligilang hindi mabigla.





Pinigilan ko na rin ang aking sarili na malungkot sa harapan niya hindi sa kadahilanang hindi ako makakasama ha kung yun ang iniisip niyo. Wala ako ni kaunting pake sa pupuntahang lugar at seryoso ako doon.





Bumigat ang pakiramdam ko ng umalis na siya dahil akala ko pa naman makakasama ko siya sa linggo, sa kaarawan ko. Napag usapan pa naman na namin ang gagawin sa araw na iyon ngunit heto nga at biglaan siyang nagpaalam.





Ang layo layo pa naman ng Italy, halos isang araw ka atang nakaupo sa eroplano sa sobrang haba ng byahe eh.




Pero hindi bale na, natanggap ko naman agad dahil Lolo niya yun eh. Mas matimbang pa rin naman siya kahit saang anggulo mo tignan at sobrang naintindihan ko. Ganun din naman ang gagawin ko kung sakaling ako ang nasa kalagayan niya noh.




"May ganun ba? I thought ayaw ka niyang nahihiwalay sakanya?" di ako sure sa gusto niyang iparating kaya hindi ko naiwasang mapakunot noo.





"Saan naman galing yan?" nagtatakang tanong ko.




"Are you for real? Tinatanong mo talaga yan?" pati nga rin siya naguguluhan kagaya ko,di ko din sure kung bakit "hay ewan ko sayo Santa Ana, napaka clueless mo" nailing nalang siya dahil sa pagkalito ko.





Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now