Chapter 28: Inside Out

276 26 48
                                    

Aubrielle's POV

"wow gising na pala ang ating mahal na prinsesa" binigyan ko ng payak na ngiti ang bumungad sa akin pagkaapak ko sa kusina.





Si Ate Lisa na abala ngayon sa paglilinis at pagliligpit dito. Medyo nahihiya ako ng konti dahil halos tinanghali na ako ng gising.





"Good morning ate, ikaw lang ba ang nandito?" sinipat sipat ko ang paligid pati na ang maliit naming sala na natatanaw mula dito sa kinatatayuan ko.





"Oo Elle,nasa mansion sila ngayong lahat dahil may mahalagang utos na naman ang ating mayordomo" tahimik akong naglakad patungo sa likuran niya kung nasaan ang mga tasa ng kape at coffee maker na may kalahati pang laman. Alam kong sadyang itinira nila ito para sa akin dahil nasabi ko na dati sakanila na hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ako nakakainom nito.





"Nga pala ate lisa, gising ka pa ba kagabi nung nakauwi ako?" natanong ko bigla, gusto ko lang din naman talagang makasigurado ng buo kung talaga nga bang si Brynne ang nag uwi sakin.





'bakit ko ba kasi hinayaan ang sariling malasing kagabi?' ugh! Kakahiya! Baka naman sumuka pa ako sa harapan niya! Jusko papalamun talaga ako sa lupa kung ganun nga.





"Hindi na eh, bakit?" naglakad ako sa isang upuan kaharap niya dala dala ang isang tasa ng kape sa kamay ko.





"Wala ate natanong ko lang" simpleng sagot ko, naramdaman niya sigurong may itinatago ako sa aking katanungan kaya tumigil siya sa pagpupunas ng mesa at tumingin sa akin ng may pagka imbestigadora.





"tinatanong mo ba ako kung nakita kitang umuwi kagabi? O kung may kasama kang umuwi kagabi?" napakunot ang noo ko, basang basa ba sa mukha ko?!





"Ui anong may kasama, mag isa lang akong umuwi kagabi ha" pagdedeny ko. Umiwas ako ng tingin sakanya saka pasimpleng humigop sa mainit init ko pang kape.





"Oh really? What am I then? A ghost?" nasamid ako sa iniinom ko ng marinig ko ang biglaan niyang pagsulpot sa likuran ko.





Napansin ko din ang panlalaki ng mga mata ni ate Lisa ng makita ang boss namin. Salitan niya kaming itinuro at tinignan na para bang may nabubuong konklusiyon sa isipan nito na siyang pinaka iiwasan ko.





Hindi ko rin naman siya masisisi kung magka gayon nga, isipin mo kasi... sumulpot nalang siya biglaan galing sa direksyon ng mga silid namin na halatang kakagising lang at ito pa ha.....suot suot ang may kalakihang damit ko na siya ring ginagamit ko paminsan minsan tuwing matutulog ako.





"Gi-gising ka na pala?" tulog pa kasi siya ng iniwan ko kanina, sarap na sarap pa eh alangan namang gisingin ko pa?





"Magandang umaga Young Lady,na-nandito po pala kayo?" tinanguan ni Brynne si ate Lisa saka diretsong umupo sa tabi ko.





Nagtatanong ang mga tingin ni ate Lisa sakin, alam kong naguguluhan siya ngayon,maski naman ako eh. Sinenyasan ko nalang siya na masasagot ko siya mamaya kapag nakabalik na si Brynne sa mansion.





"So? Do I look like a ghost to you?" seryoso nitong tanong sakin kaya agad akong napailing.





"Hindi naman sa ganun Bry-" naputol ang pagbanggit ko sa pangalan niya ng magsalita siya, buti nalang nandito pa naman si ate Lisa.





Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now