Aubrielle's POV
"Alam mo kasi ayoko sanang sabihin to pero.....halika lapit ka pa" sumenyas pa siya para lumapit ako, at dahil isa akong dakilang usyoso, inilapit ko naman ang tenga ko "si Brynne Lancaster kasi...alam mo ba na ang bansag sakanya dito sa SEA ay The Queen of Sa-"....
Naputol ang salita niya ng biglang tumunog ang suot suot kong relo, hindi siya yung ordinaryong relo na nagpapahiwatig lang ng oras. Smart watch daw ito, at ang tanging silbi lang nito ay ang magamit para sa comyunikasyon namin ni Young Lady na nakakonekta sa cellphone na ibinigay kasama neto.
Kung ipapatawag niya ako dito ko malalaman, kung may ipapagawa siya at wala ako sa tabi niya, dito ko din malalaman, nakalagay din dito kung saan ang lokasyon niya, may parang maliit na chips kasi sa suot suot niyang kwintas, kung sakali lang naman na.....alam niyo na. Kaya hindi na rin ako nag aabalang dalhin pa yung selpon, nandito naman na lahat eh. At saka di bagay tignan sakin yung ganung kamahal na selpon pang keypad lang ako.
Umayos ako ng upo at saka ito tinignan 'ARE YOU DUMB?!!!!' nalukot ang mukha ko ng mabasa ko ang ipinadala niyang mensahe.
Lumingon agad ako sa kinauupuan niya at ganun nalang ang takot ko ng makita ko ang expression sa mukha niya. Minsan lang siya magpakita ng expression, at sa lahat ng pwede niyang ipakita, yung galit pa ang palagi kong nasisilayan.
Bakit naman ganun ang mensahe niya? May nagawa ba ako? O may hindi ba ako nagawa? Bakit ako naging dumb?
"Bakit Young Lady?" walang lumabas na boses sa bibig ko, hindi ko nalang alam sakanya kung mababasa niya ba ito sa galaw ng labi ko.
Naniningkit lang ang mga matang tumitig sakin, ilang segundo din iyon hanggang sa mabilis niyang inilingon ang ulo sa harapan. Wala man lang akong nakuhang sagot mula sakanya, hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang gusto niyang iparating.
'Ang gulo niya ha' naiiling nalang akong tumingin sa harapan, nagfocus nalang din ako sa gurong nagtuturo dito. Siguro ay tatanungin ko nalang siya mamaya pagkatapos ng klase, sabay naman siguro kaming manananghalian.
O palagay ko lang yun???
Saktong 12 pm ng matapos ang klase namin ngayong umaga, dali dali kong inayos ang gamit ko, at nadismaya ako ng makita kong wala na ang boss ko sa upuan niya, pati na sina Andrea at Heather.
"Saan na sila?" nalungkot ako ng konti dahil pakiramdam ko ay sinadya nila akong iwan.
Nilingon ko nalang ulit si Marriane "may kasama ka bang maglalunch?" tanong ko, nagulat pa siya dito na siya namang ipinagtaka ko.
"Wa-wala eh, bakit?" sakto, siya nalang ang sasamahan ko. Takot ko nalang na mag isa sa napakalaking gusali na to.
"Tara sabay na tayo" aya ko, alanganin siyang tumango.
Ayaw kaya niya akong kasama? Baka naman napipilitan lang siya? "Okay lang naman kung ayaw mo" sinabayan ko ito ng medyo may pagka awkward na tawa.
Normal lang naman yung ilangan kasi ngayon lang kami nagkakilala, at saka ayaw kong maging feeling close noh.
"Hi-hindi, gusto ko actually, ikaw lang ang inaalala ko" nagtaka ako syempre, para namang may nakakahawa siyang sakit sa paraan ng pagkakasabi niya.
YOU ARE READING
Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)
RomansaAn adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler, Aubrielle Marshmellow Santa Ana.