Aubrielle's POV
"Hoy babae! Asan ka na?! Kanina ka pa namin hinihintay dito! Ano wala ka balak sumipot?!" napapikit ang isang mata ko at bahagya kong inilayo ang selpon ko na keypad sa tenga ko dahil sa lakas ng bunganga ng kausap ko.
"Ano ba yan Melissa,pwede bang hinaan mo yang boses mo, ang daming tao dito sa kinatatayuan ko,kakahiya ka" malakas din na tugon ko, aba di tayo papatalo syempre. Wag na nating pansinin yung mga tao sa paligid, nakikinig lang sila, taliwas sa unang pahayag ko.
"Ano nga? Nasan ka na? Marami rami na ang tao dito oh,sayang naman" kumalma na ng unti ang boses niya, salamat naman dahil isa pa talaga,isa pang pagbubunganga niya, tatakasan na ako ng eardrum ko.
"Malapit na, nandito na ako sa kabilang kanto" hindi na ako naghintay pa ulit ng sagot niya at ibinaba ko na ang selpon ko.
Inilagay ko ito sa shoulder bag ko at niyakap, kahit keypad lang to mahal ko to, ayaw kong ipanakaw, ang dami pa namang masasamang loob sa lugar na to.
'Oh, para namang may magkakainterest pa dito haha' keypad na nga luma pa, baka nga magkaproblema pa sila sa pagbenta kung sakali.
Naiiling ako sa iniisip ko, sa susunod talaga mag iipon na ako para makabili naman ako ng bagong selpon, yung hindi keypad, yung pwedeng pang selfie, at yung maipagmamalaki.
Inayos ko nalang ang suot kong hoodie at binilisan ang paglalakad ko para makahabol, ayaw kong magbunganga na naman yun pagkadating ko, bibigay na talaga pati ang katinuan ko pag nagkataon.
"Meow" natigil ako saglit sa paglalakad ng makarinig ako ng huni ng pusa, lumingon ako sa gilid ko at nakita ko itong nakapatong sa nakasarang trash bin, malapit sa isang madilim na eskenita. Itim na pusa siya, kasing itim ng basurahan kaya kung hindi mo pagmamasdan nang mabuti ay hindi mo siya mapapansin.
"Aww ang cute mo naman ming ming" nilapitan ko ito at pasimpleng kinamot ang ulo niya na siya namang nagustuhan niya.
Mahilig ako sa hayop, lalong lalo na sa pusa. Kung hindi niyo natatanong, may alaga akong limang pusa sa bahay, si ham-ham, chi-chi, maw-maw, sha-sha, at si lily. Mga puspin sila, walang lahi, at pare pareho ko lang silang inadopt na lima, naawa kasi ako na pagala gala lang sila sa kalsada kaya yun, inuwi ko nalang. Hindi naman nagalit si nanay sa ginawa ko, pareho kasi kaming malambot ang puso pagdating sa mga hayop.
Pinakapaborito ko pala si chi-chi bukod tangi kasing ang kalambingan niya, yung apat kasi may mga sariling mundo, feeling nila sila ang amo at ako? Alalay na taga pakain lang. Yun lang ang role ko sakanila, ang pagsilbihan sila habang buhay.
"bakit ka mag isa dito? wala bang may ari sayo?" yung tono ko, parang nakikipag usap lang ako sa isang baby. Wala akong nakikitang collar sa leeg niya, at medyo marumi rin siya, pusang gala nga ata.
"Meeeeooowww" mahabang huni niya, ano meaning nun? Merooooooooon o waaaaalaaaaaaa?
"gusto mo iuwi nalang kita? Hmmm?" patuloy ko pa ring hinihimas ang ulo niya, mas idinidiin naman niya ito lalo na parang nasasarapan. Maya't maya'y idinidikit niya at gusto ring ipahimas ang buo niyang katawan.
Lumingon lingon ako sa paligid, tinitignan kung mayroon bang may ari sakanya, ngunit mga taong dumadaan lang ang tanging nakikita ko,wala nga silang pakealam eh.
YOU ARE READING
Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)
RomanceAn adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler, Aubrielle Marshmellow Santa Ana.