Aubrielle's POV
"About last night..... I just wanna..... Did you ever..... how was....." sa tanang buhay ko, aaminin ko ngayon lang ako medyo nainip. Hindi niya kasi mabita bitawan kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig.
Hindi naman siya nauutal, siguro ay hindi niya lang mahagilap y can inang tamang salita na bibitawan, ramdam ko yun, maski siguro ako kapag ako yung nasa pwesto niya, at maiinip din siya kahit pustahan pa kapag nagkapalitan kami ng lugar.
Ngunit tama ba itong nakikita ng mata ko? May pag aalangan siya? Kung ako ang tatanungin ay may dalawa akong ideya sa bagay na yan na sa tingin ko ay kapareha lang din ng akin kaya hirap din ako kanina na ungkatin yun sakanya.
Ang una ay sa kadahilanang ang nangyari na yun ay kamalian lang na dapat ng kalimutan kagabi pa, at ang ikalawa nama'y pareho naming nagustuhan ngunit dapat pa ring kalimutan dahil may mga bagay sa mundo na bawal at kapag ipinagpagtuloy lang ay parehong makakasama samin hindi man ngayon ngunit pagdating ng araw, tiyak ko iyon.
"Wh-what are your thoughts about it mellow?" kasunod ng pagbitaw niya sa isang malalim na paghinga ay ang katanungan niyang kanina pa niya kinakalkyula.
Gusto ko sanang pag isipan pa nang mabuti dahil ayaw kong makapagbitaw ng isang salita na makakadagdag lang sa kung ano man ang nasa pagitan namin ngunit nakapagpasya na akong sagutin ito ng diretso, kagabi pa to at ang tanging gusto ko nalang ay ang mawala ang alalahanin ko dito, pati na rin siya.
"Sa totoo niyan Brynne nagulat ako, aminado ako dun, parang nung unang beses lang...gulat ang una kong naging reaksyon ngunit alam ko naman na hindi mo yun sinadya, na sa tingin ko ay nagkamali ka lang...kaya wala na yun para sakin, kinalimutan ko na yun" napangiti ako sa mga salitang binitawan ko, yung ngiting mapakla, may kirot pala kasi kapag nabitawan na mismo yun ng bibig ko. Ang laki laki rin ng kasalanan ko sakanya kasi sa kasinungalingang nasabi ko.
"What? Are you insane? Just like that? Saan galing yan?" yung pag aalangan niya nawala na,tanging gulat at pagkalito nalang ang makikita sa napakaganda niyang mukha.
'mali ba ako?'
"May mali ba sa sinabi ko? Di ba tinatanong mo naman kung anu ang kaisipan ko dun? Yun yun, kaya wag ka ng masyadong mag alala pa, mas mabuting kalimutan nalang natin yun pareho.....dahil ganun naman dapat" hininaan ko lang ang huling pahayag ko kasi iyon ang utos ng isipan ko na hindi sinasang ayunan ng aking puso. Ngunit imbes na magsalita pa siya ay mas pinili na lang niyang tumalikod.
Tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo, pabalik sa lugar kung saan kami nanggaling kanina, hindi na rin siya nag abalang sumakay pa sa cart,nilagpasan niya lang ito, basta matulin lang ang lakad sa gitna ng napakainit at napakaluntiang field.
"Brynne!!! Teka!!! Saan ka pupunta???" nataranta ako sa biglaang pag alis niya kaya hindi ako magkandaugaga sa paglalakad, nalilito ako kung susundan ko ba siya o pupulutin ko na muna ang mga gamit namin dito.
Ilang segundo din akong nakipagtalo sa sarili ko at sa huli nga ay nanaig ang pagsasa ayos ko ng mga gamit niya bago ko siya sundan.
Buhat buhat ang golf bag niya ay nilagpasan ko lang din ang cart na gamit namin kanina. Hirap na hirap akong naglalakad ngayon dito sa damuhan, mabagal at sa katunayan ay hinihingal na rin sa bigat nitong dala dala ko.
Sinubukan ko pa siyang aninagin sa di kalayuan ngunit dahil na rin siguro sa bagal ko ay nawala na siya ng tuluyan sa paningin ko.
"Iniwan na kaya ako nun?" hingal na tanong ko, nagtanong pa ako eh wala din namang makakasagot.
YOU ARE READING
Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)
RomanceAn adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler, Aubrielle Marshmellow Santa Ana.