Chapter 7: The Contract

405 35 2
                                        

Aubrielle's POV

Seryoso lang ang mukha niya ng magtama ang tingin namin, syempre ngumiti ako para naman hindi maging bastos.



Sa tancha ko ay nasa humigit kumulang limampu na ang edad niya. Hindi mo mahahalata agad, kapag natitigan doon mo lang yun mapapansin, maputi kasi siya, tapos napakapormal pa niya tignan.



"Aubrielle Marshmellow Santa Ana?" napatango ako nang marinig ko ang buong pangalan ko galing sakanya.



"may kailangan ho ba kayo sakin?" magalang na tanong ko, umupo ako sa harapan niya. May inilagay kasi si mama na isang monoblock dito, 'teka asan nga pala si mama?'



"Bago ang lahat, magpapakilala na muna ako...... Ako nga pala ang personal butler ng Lancaster Family, Henry Gomez" inextend niya ang kamay niya para makipagkamay na lugod ko namang tinanggap.



"Lancaster? Ang tinutukoy niyo po ba ay si Brynne?" mas naging seryoso ang mukha niya ng mabanggit ko ang pangalan ng babaeng nag alok sakin ng trabaho.



"YOUNG LADY BRYNNE" binigyang diin niya ang pagkakabanggit niya dito.



"Ah pasensya na ho, bakit nga ho pala kayo napadpad dito sa bahay namin?" hindi na muna siya sumagot, bagkus ay may kinuha siya sa loob ng suitcase na dala dala niya, sakto naman ang pagdating ni mama na may dala dalang kape.



Nagkatinginan kami ni mama at parang nagtatanong ang mukha niya. Gaya ko ay nagtataka rin siya sa kung sino at ano ang sadya ng mamang ito samin, kakagising ko nga lang eh, di ko pa nga natatanggal lahat ng muta ko, baka nga may namuong laway pa sa gilid ng labi ko.



"Personal akong ipinadala ni Chairman Marius para ibigay sayo itong kontrata" may inabot siya saking papeles, sa kapal nito sa tingin it ay nasa limang pahina siya.


Kinuha ko ito sakanya, sobrang naguguluhan ako ngayon sa totoo lang "kontrata? Kontrata ng alin ho sir?"



"Employment Contract" anu daw? Employment?



Kahapon lang namin yun napag usapan di ba? bakit ang bilis naman atang dumating?



'lagot di ko pa nasasabi kay mama ang tungkol sa bagay na to'



Inilapag ni mama ang dala dala niyang tasa ng kape sa harapan ng bisita at saka nakisabat na rin sa usapan namin ng matanda "teka sir, baka nagkakamali lang kayo, sigurado ba kayong ang anak ko talaga ang sadya niyo?" kinuha ni mama mula sa kamay ko ang kontrata at saka ito tinignan ng masinsinan.



"Hindi ako nagkakamali Mrs. Santa Ana, nagsagawa na kami ng background check sa inyong anak para maiwasan ang mga bagay na hindi nararapat, at para masigurado na hindi nagkamali si Young Lady sa pagrerekomenda sakanya" tinanggal ni mama ang pagkakatingin sa kontrata, sinenyasan ko siya na mag usap na muna kami saglit sa kusina.



Mukhang kailangan ko na kasing ipaliwanag sakanya dahil kita ko sa mukha niya ang sobrang pagkalito.



Sakto naman na dumating si ate, bagong gising lang din. Tumayo ako at hinila siya, mabilis ko ring ipinasa ang kontrata sa kamay niya "ate pakibasa muna, kakausapin ko lang si mama sa kusina" pupungas pungas ang matang tumingin sakin, at saka sumang ayon.



Hinila ko si mama sa may kusina at nang makarating kami ay inunahan ko na siya sa pagsasalita "ma kahapon ko pa sana gustong sabihin to kaso hindi ko masabi sabi dahil sa pag aalangan ko" napapakamot nalang ako sa likuran ng ulo ko.



Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now