Aubrielle's POV
"What if it's not about the shoes anymore?" kung may ilulukot pa siguro itong noo ko dahil sa sobrang pagkalito ay ginawa ko na.
"Ha?" sa dami ng aking iniisip ngayon, hindi ako makabuo ng katanungan kaya hindi niyo din ako masisisi kung bakit hindi ako agad nakabuo ng tanong.
Nawala na nga rin yung hapdi na nararamdaman ko sa aking mga tuhod. Napalitan na ng lubos na kaguluhan ang aking nararamdamdan dahil ang Brynne na kaharap ko ngayon ay naiiba.
Hindi siya nagsalita, tumingin lang ito ng diretso sa aking mga mata at kung hindi ako nagkakamali ay pinapakiramdaman at inaalam ang laman ng magulo kong utak.
Nakipagsukatan ako ng titig, maski ako gusto ko siyang basahin ngunit kilala ko naman ang sarili ko at pati na siya. Kung may bagay man na hindi ko magawa gawa ay ang alamin ang nilalaman ng isipan niya.
'ano nga ba talaga?'
"Tungkol ba to kay Sparks?" naudlot ang ilang segundo naming titigan sa naging tanong ko. Ibinaba ko na rin ang tingin ko kasi nakaramdam ako bigla ng hiya.
Nahihiya ako kasi tama ang hinala niya dati at pinilit kong inilihim ito mula sakanya. Hindi ko siya kayang tignan mata sa mata ngayong alam na niya.
Napabuntong hininga na muna siya bago tumango "are you friends with her?" hindi ako nakasagot agad kasi di ako sure kung magkaibigan na ba kami o hindi pa.
Sa pagkakaalala ko naman kasi ay wala pa siyang nababanggit tungkol dito. Biglaan nga lang lahat lahat ng nangyari eh, magmula sa pagiging mabait niya hanggang sa pag aya ko sakanya.
Sinubukan ko uli tumingala ng mapansin kong parang may kakaiba. At tama nga ako kasi ngayon ko lang siya nakita na ganito ang mukha, may kakaiba rin sa mga mata nito.
Lungkot at........parang may halong takot? Namamalikmata na naman ba ako?
Napatayo ako at hindi rin ako sigurado kung ano ang dahilan. Ang sa akin lang ay naalarma ako, naalarma ako kasi simula ng magkakilala kami, ngayon lang siya naging ganito.
Sinubukan kong lumapit ngunit bago pa man ako makagalaw ay tumalikod ito mula sakin. Kung nagugulahan na ako kanina sa usapan namin tungkol sa sapatos, mas nadagdagan naman ito ngayon sa kadahilanang nagkaganito siya bigla.
"I-it's okay, not that I really care though" ngumiwi ang ulo ko, ano na naman ang tinutukoy nito? Di pa nga ako nakakasagot eh.
Napabuntong hininga ako, hindi ko na talaga siya maintindihan. Kanina lang malungkot at parang takot pa siya,ngayon naman mas malamig pa sa antartica ang boses niya. Sa sobrang bilis niya magbago minsan ay hindi ko na rin pa kayang sumabay.
"Kung tungkol ito kay Sparks,pasensya na kung hindi ako umamin agad..... nagbago naman na kasi yung tao at sana... ako na ang nakikiusap na huwag na natin gawin pang bigdeal ito" naisip ko kasi na wala namang masama kong magiging magkaibigan kami ni Sparks di ba? Mabait yung tao, na misjudged ko lang siguro ito.
Ayoko rin na gawin niya yung ginawa niya kay Ethan. Nakakapagtaka nga din kung bakit niya ginawa iyon gayong magkaibigan lang naman ang turingan namin ng boss ko.
Tumingala siya na para bang may tinitignan sa ceiling. Napatingala din ako ngunit puting pintura lang naman ang nakikita ko.
"So you two are together huh?" mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagbaba ng tingin ko pabalik sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/336524997-288-k170927.jpg)
YOU ARE READING
Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)
RomanceAn adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler, Aubrielle Marshmellow Santa Ana.