Aubrielle's POV
Pagkakita ko kay Young Lady na naglalakad sa di kalayuan ng pasilyo ay agad ko siyang sinundan at nilapitan.
Tinakpan ko pa nga ang bunganga ko dahil baka maisigaw ko pa ang pangalan niya, hindi pwede yun, lalo lang akong mahuhuli pag nagkataon.
Maingat lang lahat ng galaw ko hanggang sa makarating ako sa likuran niya, wala siyang kamalay malay na may tao na palang nakasunod dito sa likuran niya, tuloy tuloy lang kasi siya sa paglalakad.
"Y-young Lady" mukhang nagkamali yata ako ng sinabi kong wala siyang kamalay malay, ni hindi man lang kasi siya nagulat ng matawag ko siya.
Huminto lang siya sa paglalakad, at yung tingin, nasa harapan pa rin, mas okay na ang mahaba at maalon na buhok lang niya ang kaharap ko, hindi ako kinakabahan. Yun pa nga lang pagtawag ko sakanya medyo nautal na ako eh.
"Gusto ko lang sanang magpasalamat" gumalaw ng konti ang ulo niya pakaliwa, nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong makita ulit ang mukha niya ng malapitan, kalahati nga lang.
"For what?" medyo nabahala ako ng wala man lang na kahit anong emosyon ang boses niya. Parang ang cold, yung dating niya para akong may nagawa mabigat na kasalanan.
Hindi ako sanay, ibang iba to sa boses niya noong una kaming magkakilala, pati na kapag kausap niya ang lolo niya.
"Sa lahat lahat Young Lady, sa oportunidad na makapagtrabaho dito, pati na yung sponsored scholarship dahil nabigyan ulit ako ng pagkakataong makapag aral" nilaro laro ko nalang ang daliri ko para matanggal ang kaba at pagkabahala ko. Yun naman kasi talaga ang sadya ko, hindi rin ito naging madali lalo na't ipinagbabawal pa rin ang mag usap sa pagitan naming dalawa.
"Okay.....is that all?" napaisip ako kung meron pa ba akong sasabihin, ewan ko ha,ang cold ng boses niya pero ramdam ko na parang may gusto pa siyang marinig mula sakin, o baka naman guni guni ko lang yun?
"Uhm ano.....uhh" ano nga ba? marami naman akong naiisip na sabihin sakanya nung wala pa ako sa sitwasyon na to, teka isipin ko lang saglit baka sakaling bumalik.
Napansin ko ang pagtapik tapik ng paa niya sa sahig, naiinip na siguro, paano ba to? nawala kasi talaga eh.
"just say whatever you wanna say, just so you know,I'm already losing my patience" iritado na ata siya, wait lang naman, nag iisip pa eh. Hindi ko naman kasi inasahan na ngayong araw ulit kami magkiki- ayun!
"Masaya akong nakita uli kita Young Lady" siniglahan ko ang boses ko para ipakitang mas totoo pa sa totoo ang pahayag ko. Hindi ako plastic ha, ganito lang talaga ako, yung way ko ng pagiging sincere ay ang maging masiyahin.
Ibinalik na niya uli sa harapan ang tingin niya, at pagkatapos nun ay narinig ko ang paulit ulit niyang pagtikhim na para bang nangangati ang lalamunan niya.
"Gusto mo bang dalhan kita ng tubig Young Lady? Nangangati yata ang lalamunan mo" suhestiyon ko, napailing siya dito.
"It's okay, don't bother yourself" ako naman ngayon ang napatikhim ng bigla siyang lumingon sakin.
Napatungo pa ako, ewan ko ba, nahihiya pa rin ata ako ng konti. Dati pa naman nung una ko siyang nakilala at nakasama, nakakaintimidate kasi ang dating niya.
YOU ARE READING
Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)
RomanceAn adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler, Aubrielle Marshmellow Santa Ana.