Chapter 13:The Queen of...

385 28 7
                                    

Aubrielle's POV

"Damn it!" nagitla ako ng konti sa narinig ko,sinabayan pa kasi ito ng paghulog ng mga babasagin na plato at baso sa sahig.




Agad kong sinilip sa harapan para malaman kung ano ang dahilan ng pagmumura niya ng makabawi ako sa gulat na nadama ko. May nakita akong babaeng tila gaya rin namin ay nagulat din sa nangyari.




'sa tingin ko ay nagkabanggan silang dalawa'




Tumayo ako sa tabi ni Young Lady, pati rin pala yung dalawa kaya heto, nakahilera kami ngayong apat sa harapan ng babaeng puno ng takot at pagsisisi ang mukha,ha? para namang napakalaking kasalanan na yun ah.




"Uh oh" sabay na sabi ng dalawa na tila ba'y may mangyayaring hindi kaaya aya.




Napatungo ako at doon ko lang napansin ang nagkalat na pagkain sa sahig, pagkain yun lahat ni Young Lady. Buti din at hindi naman nabasag ang plato't basong lalagyan ng pagkain niya.




"I-I-I'm sorry hindi ko si-sinadya" nauutal na ang babae na paulit ulit ding yumuko.




At teka,tama ba ang nakikita ko? Naluluha siya?




Napasulyap ako sa katabi ko pero hindi ko makitaan ng kahit na anong emosyon, hindi ko tuloy mawari kung galit ba siya o ano sa nangyari.




Bumalik naman ang tingin ko sa babaeng kaharap namin ng mapaluhod siya sa sahig, at mabilis na pinagpupulot ang mga nagkalat na pagkain.




At dahil umiral na naman ang kagandahang loob ko, dali dali kong ipinatong ang dala dala kong pagkain sa lamesa malapit samin, at napaluhod na rin sa matigas na sahig, hindi naman siya ganun kasakit kasi makinis naman kahit pa na nakaskirt lang ako, kaya okay lang, okay na okay.




"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ko sa babaeng natataranta sa pagpulot ng mga pagkain. Tinulungan ko na rin siya sa paglalagay ng mga ito pabalik sa plato at tray.




"A-ayos lang" tinignan ko siya ng narinig ko uli ang pagkautal niya, at ganun nalang ang awang naramdaman ko ng makita ko siyang umiiyak na.




Nakakapagtaka lang talaga, normal lang naman sa buhay natin yung ganito, yung may makakabungguan ka ng hindi sinasadya, kaya bakit kailangan pa niyang maiyak?




Ang mas nakakapagtaka pa ay hindi siya umiiyak dahil sa malungkot siya, naiiyak siya dahil sa takot, basang basa naman kasi ito sa mga ikinikilos at pati na sa kanyang mukha.




"Get up from there" seryosong utos yun ni Young Lady, gustohin ko mang tumayo ay hindi ko magawa dala na rin ng awa ko sa babaeng tinutulungan ko.




Alam kong labag ito sa kontrata at responsibilidad at tungkulin ko bilang isang Butler, pero mas inuna ko pa rin na sundin ang idinidikta ng kalooban ko, ang tumulong.




Kinuha ko sakanya ang dalawang tray ng pagkain at inilapag lang ito sa may sahig, tinulungan ko na rin siyang tumayo dahil hindi na ata niya kaya pang tumayo mag isa, ikaw ba naman nginigin sa tuhod?




Pagkatayo naming dalawa ay inabot ko ang aking panyo sa kanang bulsa ng skirt na suot ko "heto oh, punasan mo na muna yan, sige ka maghalo yang luha at sipon mo" sinubukan kong magbiro, pero ako lang ang natawa.




At nasabi ko na rin ba na kanina pa kami pinapalibutan ng mga estudyante dito sa cafeteria? Nagbubulungan din sila, dinaig pa nila ang mga bubuyog sa naririnig ko.




Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now