Chapter 27: Maybe

359 26 22
                                    

Aubrielle's POV

Madilim na ang buong paligid ng makarating ako sa tapat ng venue kung saan gaganapin ang isa sa maituturing kong pinakamagarbong pagtitipon na mapupuntahan ko sa tanang buhay ko.




Kung nagtatanong kayo kung paano ako nakarating dito,inihabilin lamang ako ni Brynne sa isang driver ng pamilya nila na siyang maghahatid at magsusundo sakin pauwi.




Siya nga pala di ako nagpahatid sa mismong harapan ng venue kumbaga sa gilid lang, ayoko kasing pagtinginan ako ng ibang tao at pag isipan ng hindi maganda lalo pa't hindi naman talaga ako katulad nila. Hangga't maaari ay nais kong iwasan ang mga ganoong bagay, gusto ko lang ng tahimik na buhay, at gagawin ko ang lahat ng paraan para makaiwas.




Balik na tayo sa reyalidad,sa nakikita ng mga mata ko ngayon, ang garbo garbo ng paligid at hindi sa pagiging oa ha, totoo talaga kasi may pa red carpet pa sila magmula sa bababaan ng sasakyan hanggang sa makapasok ka sa loob, kulang na nga lang na may mga umiilaw na flash ng camera para matawag na met gala o yung red carpet na dinadaluhan ng mga sikat na personalidad.




Buti na nga lang nung dumating ako kani kanina ay wala pang masyadong tao sa paligid na siyang ikinagaan ng kalooban ko, sa katunayan kasi niyan ay nahihiya ako magmula pa kaninang dumating ako.




Sa kaloob looban ko kasi hindi ko maitatangging nanliliit pa rin ako kumpara sa mga nandito na ang gagarbo ng datingan. Oo nakasuot ako ng mamahalin at magandang gown pero hindi ibig sabihin nun na kalevel na nila ako kasi kung tutuusin naman lahat ng meron ako ngayon ay dahil lang sa nag iisang tao.




'kamusta na kaya siya? di kaya siya nababagot dun?'




"Gosh isn't it too bright in here?" natigil sa paglipad ang isipan ko ng maramdaman ko ang pagtabi ng dalawang tao sa akin ng magkabilaan.




Salitan ko silang tinignan at hindi maitago sa aking mukha ang pagkamangha dahil sa mga suot nilang gown na sa unang tingin palang ay talagang pinagkagastusan nang malaki at pinag isipan nang matagal.




"Wow naman ang gaganda niyo, teka teka mga artista ba kayo?" namamanghang puri ko sa kanila pareho na sinabayan ko na rin ng konting bola na totoo naman kung tutuusin.




"Alam mo palang mambola ha" litanya ni Andrea habang nakangiti, hindi maitatanggi sa mukha nito na nagustuhan niya yung pabirong komplimentaryo ko.




"Thanks Aubrielle, you look fantastic and gorgeous as well, muntikan ka na nga naming hindi nakilala sa itsura mo ngayon,you really look so different than the usual" uminit ng konti ang mukha ko sa compliment ni Heather sakin.




"Yeah in fact nakakasilaw, ang liwanag na nga dito dinagdagan mo pa lalo" alam ko naman sa sarili kong may itsura ako pero sobra naman na ata yung komplimentaryo nila?





"Are you seriously blushing Aubrielle?" tumalikod ako sakanila para itago ang napaka obvious na pamumula ng mukha ko.




"Hindi ah, naiinitan lang ako sa suot kong gown" pagdadahilan ko. Napapahagikgik sila pareho dahil sa nakakahiyang inaasta ko.




Humarap din naman ako ng mapahupa ko ang pamumula ng mga pisngi ko.




"By the way saan mo pala ipinagawa ang gown mo? It suits you really well ha, and it seems like the one who made that really knows how to bring out the best in you" nangingiti ako habang inaalala ang taong dahilan ng napakagandang gown na suot ko ngayong gabi.




Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now