Chapter 1: The Vocalist

641 31 9
                                    

Aubrielle's POV

"Hi guys!" masiglang bati ko sa mga kasamahan ko, sinamahan ko na rin ng napakatamis na ngiti na alam kong magpapalambot sa mga puso nilang kanina pa naghihimutok.




Ngunit akala ko lang pala yun "sa wakas! Nandito na rin si VIP girl! Akala namin sa susunod na buwan ka pa darating eh" napanguso ako, di talaga mawawala ang sermon sa babaeng to.




"Sorry na po kamahalan, may ginawa lang ako" umakbay ako sakanya ng malapitan ko siya.



"Ano na nama- ayun, lumabas din ang totoo, naging good samaritan na naman pala ang ating bokalista, pinairal na naman ang puso niyang sing lambot ng marshmallow" pumalakpak pa siya na animoy nasa isang teatro ako,na siya namang tinawanan ng iba naming kasamahan.




Nakita kasi nila si mingming sa loob ng maliit na bag ko, oo kinuha ko na siya. Nagdalawang isip ako nung una, pero mas minabuti ko nalang na makasigurado, baka kasi pagbalik ko wala na siya dun, hindi pa naman ako pinapatulog ng konsensya ko sa gabi.




"Pake mo ba! Eh sa pinaglihi ako ni nanay sa marshmallow eh, kasalanan bang maging mabait, ikaw kasi sobrang itim ng budhi mo kaya hindi ka makasabay" inirapan ko siya kunwari, ganito na talaga kaming mag asaran na dalawa, wala ng bago, wala ng nakakapagtaka dahil simula pa noong ipinanganak kami, kami na ang magkasama,kulang na nga lang na magkamukha kami para matawag na kambal.




"Mapapakain mo pa ba yan Elly? Ang dami mo ng alagang pusa ah" si kuya Rico, ang bassist namin. Elly pala ang tawag sakin ng mga malalapit kong kaibigan, at ng pamilya ko.




"Oo naman kuya, okay lang na wala akong makain, basta mabusog lang sila" kinuha ko si mingming at pinaharap sakin. Binigyan ko siya ng isang halik sa itaas ng ulo niya, kahit pa na marumi pa siya wala akong pake, ganito ako kalapit sa mga hayop, lalo na sa pusa.




"Hay naku,hayaan niyo na nga yang marshmellow na yan sa gusto niya, sige na magsi ayos na tayo para makapagsimula na" saad uli ni Melissa.




Tumulong nalang ako sa pagseset up ng mga gagamitin namin sa pagtugtog. At kung hindi niyo pa nahuhulaan kung ano ang gagawin namin, ito na sasabihin na...




Tuwing byernes ng hapon, sa kasagsagan ng maraming tao dito sa hindi kalakihang plaza ng aming lungsod, tumutogtog kami ng mga kaibigan ko.




Tumutogtog kami para makalikum ng kaunting salapi, hindi para sa mga luho namin, kundi para makatulong sa pamilya namin.




Pare pareho kasi kaming salat sa yaman na magkakaibigan, hindi pinalad ng marangyang buhay kaya kung kumayod kami ay puspusan.



Pati nga ang ilan sa mga instrumentong ginagamit namin ay hindi sariling amin, hinihiram lang namin ito sa mga may mabubuting kalooban, katulad nalang ng mga classmates nila.



Ako ang bokalista sa itinuturing naming banda, maliit siya, hindi kilala, pero kung tutuusin, may sapat naman kaming kakayahan para makapaghatid ng saya gamit ang musika.




Si Melissa na best friend ko naman sa keyboard. Kapitbahay ko siya since birth, at gaya nga ng sinabi ko kanina, itinuturing ko na rin siyang kapatid sa sobrang close naming dalawa.




Si Rico ang bassist namin, kuya kuyahan namin siya kasi mas una siya samin ng dalawang taon.



At ang panghuli si Kiko, minsan drums ang tinutugtog niya, minsan naman sa electric guitar siya, depende nalang din sakanya kung ano ang dadalhin niya kapag may gig kami,okay lang naman samin yun.




Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now