Chapter 8: The Trainee

320 29 2
                                    

Aubrielle's POV

One month later...

"Wow naman Aubrielle isang araw nalang isa ka ng ganap na butler ha" lumapad ang ngiti ko ng marinig ko ang pahayag ni ate Lisa.




Isa si ate Lisa sa pinakamatagal ng naninilbihan dito sa Lancaster's Palace, ang tirahan ng isa sa pinakamayamang Pamilya dito sa bansa, nasa anim na taon na daw siya dito, nagsimula daw siyang magtrabaho noong labing walong taong gulang palamang siya.




Si ate Lisa rin ang unang nakapalagayan ko ng loob unang tapak ko palang dito, mabait siya sakin, at itinuturing niya akong nakababatang kapatid,kaya itinituring ko na rin siyang nakakatandang kapatid, gaya ni ate Choco.




"Oo nga eh ate, ang bilis ng panahon, parang kahapon lang sobrang sakit pa ng katawan ko kakaensayo" natawa kami pareho, kapag kasi naaalala ko yung kaawa awang sinapit ko sa physical at self defense training magkahalong hiya at tawa ang nararamdaman ko.




Grabe kasi talaga yun, hindi ko din inasahang may paganun pala sila. Nabasa ko yun sa kontrata dati pero grabe lang, akala ko normal na pagtuturo lang ang gagawin,yung parang orientation lang keme, di naman nila sinabing bubugbogin pala ako na may kasamang pawrestling pa at paghagis sa napakapetite kong katawan.




"Oh anong tinatawanan niyo diyan? Share niyo naman" sabay kaming napalingon ni ate lisa kay Manang Cecil, ang pinakananay ng mga naninilbihan dito. Siya kasi ang pinakamatanda, at ayon na rin sakanya, nanilbihan na siya dito simula pa nung bata si Sir Marion, ang panganay ni Chairman Marius.




"Si Aubrielle kasi manang, pinaalala bigla yung paghagis sakanya ni Ma'am Genova" naiiling nalang din siya at napapangiti. Kung ikukumpara kasi ang katawan ko sa katawan ni Ma'am Genova, parang kay David at Goliath ba. Oh, anong laban ko dun? Di naman pwedeng gumamit ng tirador at bato.




"Hay naku kayo talaga, ang mabuti pa kumain nalang kayo para may lakas uli kayong magtrabaho sa maghapon, pati na ang magkulitan" sabay kaming tumango ni ate Lisa at magkasunod na sumandok ng kanin at ulam. Hindi lingid sa kaalaman ng mga naninirahan dito na palagi kaming nagkukulitan ni ate Lisa, ilang taon lang kasi ang agwat namin, at saka kavibes ko siya kaya hindi yun malabong mangyari.




Mag aalas syete na ng umaga pagkatingin ko sa wall clock ng kusina at sa kasalukuyan nga ay nandito kami sa domestic's quarter. Ang domestic's quarter pala ay ang bahay o dorm kung saan namamalagi ang mga kasambahay, security personnel, gardener, mga cook,personal assistant, at pati na kaming mga butler.




Kung susumahin, nasa kulang kulang singkwenta kaming naninirahan ngayon dito. Malaki siya, para siyang dormitoryo ng isang paaralan kaya kasyang kasya kami dito. Sama sama ang mga maids sa iisang malawak na kwarto kung saan may mkaikita kang higit sa sampung bunk beds dito.




Iba rin yung kwarto ng mga security personnel, gardener at mga cook. Kaming mga butler naman ay may isang magandang pribilehiyo, at yun ay ang pagkakaroon ng sari sariling kwarto.




Oo kahit na hindi pa ako ganap na isang butler, may sarili na akong kwarto. Hindi siya kalakihan,kumbaga sakto lang sa isang katulad ko.




"Nga pala Aubrielle, pagtapos mo diyan pumunta ka na agad sa dining hall, pinapasabi ni Julius" sumubo na muna ako ng isang beses bago tignan si Manang Cecil.




"Bakit daw ho Manang?" wala naman kasi siyang nababanggit sakin kahapon, eh sabay naman kaming umuwi dito.




"Hindi ba niya nasabi sayo? Ang dining hall's etiquette ang huli mong pag aaralan, kagaya ng mga nagdaang butler na dumaan din sa isang buwang pagsasanay" bumalik sa ala ala ko ang nabasa kong kontrata, ay oo nga pala.




Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)Where stories live. Discover now