Aubrielle's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi ko nga rin lubos akalaing magdadalawang buwan na akong nag aaral at magtatatlong buwan ng naninirahan sa puder ng mga Lancaster bilang butler ni Brynne.
Minsan naiisipan ko na ring bumisita sa bahay ngunit hindi lang ako makakuha ng tyempo para makapagpaalam sa mga boss ko lalong lalo na kay Brynne.
Namimiss ko na kasi ng sobra sila nanay at ate, pati na rin ang mga alaga kong pusa. Nag aalala nga ako na baka sa tagal nila akong hindi nakita at nakasama makalimutan na nila ang napakaganda at napakabait nilang tagapangalaga, hayyy.
"Yeah about that, I've seen him yesterday and oh boy I almost didn't recognize him, ang laki ng ipinayat niya, and have you noticed his eyes? Grabe yung dark circles yikes!" ayaw ko sanang maging tsismosa ha, ayaw talaga, sadyang naririnig ko lang ang kung ano mang pinag uusapan nina Andrea at Heather sa tabi ko. Nagbubulongan nga naririnig pa rin naman.
Kanina pa sila sa katunayan, at kilala ko kung sino ang tinutukoy nila. Nagulat nga rin ako nung nakita ko siya kahapon pagkatapos ng ilang linggo, huli pa ata nung gala night eh.
"Totoo kaya ang kumakalat na balita? I have heard from Dad na nagdeclare na ng bankruptcy ang company nila last week" nagugulantang ako sa mga naririnig kong tsismis mula sa dalawang to, bakit naman kaya?
"Galing sa Dad mo so that must be true"
"I just can't believe it though"
"Me too, now that we've found out the extent of her capabilities, iwasan nalang natin ang mapunta sa bad sides niya" sino pinag uusapan ng mga to?
"Agree, nakakatakot talaga siya, even her family can't do anything to stop her, ganun pala talaga kapag heiress ka" natigil ako sa pakikinig sa dalawa ng mapansin ko ang pagpasok ng boss ko mula sa pinto.
Sasalubungin ko sana siya ngunit naisip ko, bakit naman? Ilang minuto nga lang siyang nawala eh, at hindi naman normal sa magkaibigan ang nagsasalubungan.
"Saan ka galing?" tanong ko agad ng makaupo siya, sumulyap siya saglit sakin bago tumingin ng diretso sa harapan.
"May kinausap lang" payak nitong tugon.
"Sino?" bakit ba eh gusto ko lang naman malaman. Tumingin siya sakin at saka ako tinaasan ng kilay "oo na titigil na" ayaw niya kasi ng madaming tanong, gets ko na po.
Umayos nalang ako ng upo at saka tumingin na rin sa harapan. Wala pa ang guro kaya medyo maingay pa dito sa loob.
"Where are your books? Hindi mo ba kukunin sa locker mo?" napansin niya pa yun? Ako nga nakalimutan ko eh,nasa routine ko pa naman na kunin ang mga iyon tuwing umaga.
"Oo nga noh, sige kukunin ko lang saglit" tumayo agad ako at dali daling naglakad papunta sa locker ko, baka kasi dumating na yung guro mapagalitan pa ako.
Wala na akong nadadaanang tao dito sa hallway sa mga sandaling ito, nasa kanya kanya na silang classroom at ang ilan ngang nadadaanan kong silid ay abala na sa pagsisimula ng pang umagang klase.
Pagkarating ko sa may locker area ay napansin ko kaagad ang isang pamilyar na pigura ng babae na naglalakad papalayo.
'Si Sparks yun di ba? Ginagawa niya pa dito?' tanong ko sa utak ko. Hindi na niya ako nakita pa dahil ang likuran nalang naman niya ang nakaharap sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/336524997-288-k170927.jpg)
YOU ARE READING
Extraordinary Butler With A Heart (Girls Love)
RomantikAn adorable yet hopeless romantic love story of a rich cold-hearted Young Lady, Brynne Viridescence Lancaster, and a simple yet kind-hearted Butler, Aubrielle Marshmellow Santa Ana.