CHAPTER 18: Love

262 6 0
                                    

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko nagawa 'yon.

Umawang ang labi konang makita kong paano niya ako ginawaran ng tingin. He change. Nagbago siya pati ang presensya niya ay nagbago.

Galit siya sakin. Oo,sigurado akong galit siya sakin. Dapat ba nakinig ako sa paliwanag ni'ya noon.

Para akong sinampal ng lagpasan niya kami na parang walang nakita. Napatingin agad ako sakanya na ngayo'y nakatalikod sakin habang naglalakad papalayo.

Bumagsak ang luha ko at ramdam ang pagsikip ng dibdib ko.

Dapat lang na magalit siya sakin, Iniwan ko siya.

Napakagat ako ng labi ng makita ko itong tumigil sa isang babae. Ngumiti naman yon at ganon rin ang pag ngiti ni Raph sakanya saka niyakap ng babaeng yon.

"Tita Mommy why are you crying?"

Agad kong pinahid ang luha.

"No Ian, tita mommy is not crying....... Let's go" aniya.

Naglakad na ako pabalik sa mga dala namin. Pero bago 'yon ay inayos ko mona ang sarili ko. Baka makahalata si Yvo at manang.

Pagdating namin ay si Kuya ang sumalobong samin. Binaba ko ang anak niya at tumakbo ito palapit sa ama niya.

"Daddy" Mabilis naman sinalubong ni kuya si Ian at binuhat agad ito.

"Si Yvo?!" Si Kuya na nagtatanong.

"Iwan ko sa taong 'yon "Aniko.

"Pinuntahan niya si Summer, Balita ko nanganak na siya" agad akong napatingin kay Manang.

"Nanganak nasi Summer, Bakit hindi nagsabi ang lukong 'yon" Aniko.

Dumating kami ng mansiyon na nakasalubong si Mommy at Daddy. Sumimangot ako kanina ng ang apo agad nila ang hinahanap hindi ako. Pero okay lang naman 'yon sakin.

"Ang kapatid mo tumawag, Babae daw ang anak ni Eme " Si Mommy.

"Galingan niya " ani ni Kuya.

Ako naman ay abala sa pagpapakain sa anak niya. Napatingin ako sa phone ng mag Vibrate. Agad kong kinuha at pinindot 'yon.

"It's a girl sis, Daddy na ako" Boses niya mula sa kabilang linya

"Oo alam ko "  Ani ko

"Kamukha ko Sis, Mana sa daddy" Nagmamayabang pa.

"Hmmmmm"

Pinutol kona dahil abala pa ako sa anak ni Kuya. Pina-inom ko ito ng tubig saka binuhat ito at papatulogin dahil mukhang inaaantok na.

Ramdam ko ang presensya ni Kuya na nakasunod samin sa kwarto. Binaba kosi Sevastian at agad naman ito pumonta sa mga toys at naglaro doon. Tingin ko lakas panang energy niya at ako lang 'yon napagod dito.

"I saw him, Sa Airport Lately " Napatigil ako sa ginagawa.

Naupo ako at pinanood si Ian na nagsasaya doon..

"Alam ko "Sagot ko dito.

"Kaya kaba umiiyak kanina"Gulat ko itong tiningnan. Akala ko hindi niya napansin 'yon.

"Tita Mommy, I'm tired " Lumapit si Ian sakin. Tumango ako rito at pinahiga siya sa kama at inayos ang kumot niya.

Hindi nagtagal ay naka-idlip na ito at ako naman ay lalabas para makakain narin . Iniwan kodon si kuya sa loob na tingin ko ay tumabi narin siya sa anak niya.

Pagkatapos kong kumain ay dumiritso na ako sa kuwarto ko para makapag pahinga. Pumasok ako ng Cr at dumiritso ng Bathroom.

Matapos mag half-bath ay nagbihis na ako pantulog para makatulog narin...

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko. Nakita kosi Manang na hinawi ang kortena kaya agad akong bumangon.

"Pumonta ang Mommy at Daddy mosa Hospital para makita ang anak ng Kuya Yvo mo" Tamad akong tumango .

"Sige po, Mukhang kailangan korin pumonta bago magtampo ang mukong na'yon" Nag shower na ako at pagkatapos ay lumabas akong tuwalya lang ang nakatakip sa katawan. Kumoha ako ng susuotin sa Closet ko.

Nagsuot ako ng hils at konteng make-up para hindi ako magmukhang patay.  Pinili ako ang bag na regalo sakin ni Lolo na kulay Black saka lumabas na dala narin ang susi ng kotse ko.

Naabutan kosi Kuya sa Baba na abala sa anak niya kaya tingin ko ay hindi siya papasok ngayon sa work niya

"Ian, Aalis mona si Tita Mommy" Hinalikan ko ito sa pisnge.

"Okay po" Sagot niya.

Pagkarating kosa Hospital ay nagtanong na ako sa Nurse kong saan ang kwarto ni Summer. Nasa VIP room siya. Room 249 4th floor.

Nakasalubong ko sila Mommy na papauwi na. Matapos kong makipag biso ay nagpaalam na sila na puponta kay Lolo. Tumango naman ako at pumasok nasa loob.

Bumongad sakin si Yvo na napaka ingat niyang nilapag sa tabi ni Summer ang baby.

Pagtingin kosa bata ay hindi malayo ang mukha ni Yvo sakanya. Tama siya nagmana nga ito sakanya. Si Sevastian sa mukha niya kay Ariane nagmana pero ang ugali at katangian pareho ng kay Kuya.

"Via!"Ngumiti ako rito.

"So kailan niyo balak magpasakal, Nandiyan nayong baby o" Ani ko.

"Hindi ko alam sa kapatid mo, Mukhang uunahin mona ang pagpalahi kaysa kasal "Tumawa ako sa sinabi ni Summer.

"Inalok kita ng kasal noon pero tumanggi ka" Si Yvo.

"Natatandaan mopa 'yon. sino ba naman yong baliw na hindi panga alam yong pangalan ko ay nang aalok na ng kasal. "Umirap si Kuya.

"Kasi diba may postahan kami non na kong sino yong unang dadaan ay aalokin konang kasal"

"So para sayo isa lang akong laruan mo"

"Nandiyan na naman tayo. Pinaliwanag kona sayo---" Hindi kona ito pinatapos magsalita.

"Mahiya kayo sa harap ng anak niyo........Nag-aaway kayo" Kinuha ko ang baby at maingat itong hinawakan..

Tulog na tulog ito at napaka ganda niya.

Nagpaalam na ako ng makitang tumatawag si Kuya . Sigurado si Ian yon dahil wala naman akong maisip na tatawagan ako ni kuya na alam niyang nandito ako.

Habang nagmamaneho ako ng nagulat bigla ng tumigil ang kotse at may nakita akong usok sa unahan. Agad akong bumaba at binuksan yon . Inubo pa ako dahil sa usok

"What the h*ll? Not now please "Tumingin ako sa paligid para humingi ng tulong pero malayo na ako. Wala naring mga bahay dito at pati gas station ay napaka layo na.

Ano nang gagawin ko? Maghihintay lamang ako ng kotse na dadaan.

Kinuha ko ang phone sa loob pero sadyang malas ngayon at walang signal dito.

Ilang oras akong naghintay at walang dumaraan na kotse. Minamalas na ako.

Napasinghap ako ng bumohos bigla ang malakas na ulan. Napatingin ako sa hindi kalayuan dito na mayroong maliit na kubo doon kaya tumakbo ako papunta doon at maghintay ng tumila nayong ulan at baka may tao rin na makakatulong sakin.

Nakasara yong pinto at wala rin akong marinig ma kay tao. Binusak koyon saka nakita ang loob. Walang nakatira ayon sa maalikabok niyang sinasabi. At walang laman na mga gamit.

Napasigaw ako ng biglang malakas na pagputok.

.....
A/N hello readers don't forget to comment, share and vote. Tenkyu mwa

My Husband is my Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon