CHAPTER 33: Kidnapped

202 5 0
                                    

Nandito kaming lahat sa labas habang nagkakasiyahan. Naglakad ako palapit sa dalampasigan para puntahan si Sevastian doon at kuya na enjoy na enjoy ang mag ama.

"Kuya kakain na"Aniko. Tumango ito at binuhat ang anak niya.

Kakaahon lang ni Kath sa tubig ng makita ko itong papalapit at kinuha ang tuwalya. Si Summer naman at Yvo ay magkasamang naghaharutan habang nag iihaw. Si Mommy ay abala sa apo niya si Baby Aquila.

Nag-uusap naman doon si Raph at Alfred na mukhang napaka seryoso ng pinag-uusapan nila. Lumapit ako para sabihang kakain na. Bumaling sakin si Raph ng maramdamang papalapit ako. May mahina siyang sinabi kay Alfred na kinatango nito.

"Ali, Tinatawag kana ni Lolo" Wika ko. Tumingin siya sa likoran ko bago ito tumango.  Tinapik nito ang balikat ni Raph bago siya umalis.

"Pumonta na ta'yo doon "Tinalikoran kona ito saka naunang lumakad pero agad akong napatigil ng maramdamang  hindi siya sumonod. Binalingan ko ito na nakatayo lang doon habang nakatingin sakin

Agad akong bumalik saka taka siyang tiningnan "Raph!" Tawag ko pero ngumoso ito na kinataka ko.

Bahagyan akong natawa ng mahina at inabot ang kamay niya saka pinagsiklop ang mga daliri namin. Napangisi ito saka ako napailing at hinila na siya dahil nagugutom na ako.

Parang umobo obo pasi Kath ng makita ang kamay namin. Tumawa lang ng mahina si Summer na naghahanda ng pagkain.

"Ang daming lamok pano naman akong walang ka holding hands "wika ni Kath ng makitang napaka sweet pani Summer at Yvo.

Nagsitawanan lang kami na parang walang kalaban na naka-aligid samin...

Abala ako sa pagbabasa ng libro. Ito ang libangan ko kapag walang ginagawa si Raph naman ay nasa table niya dito habang abala sa pag-tatrabaho kahit hindi sya nakakapunta sa office. Ganoon rin si Kuya uuwi lang dito ng gabi .
Napatingin ako sakanya ng kanina pa siya doon nakaupo. Nahilot niya ang batok . Tingin ko ay pagod na pagod na ito. Tiniklop ko ang libro at tumayo. Lumapit ako rito kaya napatingin siya sakin.

"Gusto monang massage"Pumonta ako sa likoran niya. Tumango ito kaya minassage ko ito.

"Thank you wife "Ngumiti lang ako at pinagpatuloy niya ang ginagawa. 

Nagising ako ng tumonog ang phone ko. Kinapa ko ito sa ilalim ng unan saka tiningnan kong anong oras naba. Napatingin rin ako sa tabi konang wala doon si Raph. Bumangon ako para hanapin siya pero pati sa cr ay wala doon.

Naghilamos na ako saka lumabas dahil baka naroon siya. Si Summer na ngayoy pababa ng hagdan kaya napatingin ako rito. Ngumiti ako ng tipid saka hinanap ng mata kosi Raph dito.

"Si Raph ba" Si kath na mag iisang linggo na dito. Ayaw niyang umowi dahil nag away ang mga magulang niya.

"Umalis"Dagdag niya. Umalis siya ng hindi nag papaalam sakin. Bumontong hininga ako at naupo sa tabi nito.

Tumonog ang phone nito kaya agad niya itong tiningnan at saka may pinindot don.. Kumonot ang noo ko ng bigla niyang nabitawan ang cellphone niya habang nanginginig ang mga kamay.

"V-Via s-si M-mama "Napalunok ako at agad kinabahan sakanya.

Humagolgol ito kaya hindi ko alam ang gagawin. Agad kong pinulot ang cellphone niya ng tumonog uli 'yon.

"Dadalhin mo sakin si Via kong ayaw mong ang Mama mo ang Mamamatay"Ang boses nayon. Si Sam

"S-sam"aniko kaya sandaling nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya.

Napatingin ako kay Kath na umiiyak parin ngayon. Si Summer na nagtatakang nakatingin samin.. Agad inagaw ni Kath ang phone niya at nagulat sa pagsigaw nito.

My Husband is my Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon