CHAPTER 15:Beat

205 4 0
                                    


Avianna's POV

Papauwi na kami galing sa mansiyon ng marinig namin ang mga putok ng baril. Mas lalong binilisan ni Raph ang sasakyan para makalayo sa lugar nayon.

Huminga ako ng malalim ng makarating kami sa bahay. Papasok na ako ng maramdaman kong mayroong tao dito. Madilim kaya agad kong binuksan ang ilaw.

Dahan dahan akong pumonta malapit sa sofa at agad na napatakip ng  bibig ng makitang nakahandusay doon si Yvo..

Nanginginig ang buong katawan niya na tela ba takot na takot.

"Yvo? "

"Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa isang kuwarto dito ng marinig ang pagtahol ng aso ni Raph.

Bahagyan akong napatawa ng makita kong paano ito takot na takot. Mabilis siyang tumayo at nagtago sa likoran ko.

"Sis, B-akit may aso dito?"  Bakas talaga sa boses niya ang takot.

"Kilalaking tao mo, Takot kasa aso"Lumapit si Raph doon para buksan yon at kunin ang alaga niya.

"Ilayo mo sakin 'yan" akala ko hindi na ito natatakot sa aso.

Dumating kanina dito sa Summer. Sinusondo ang shukoy nayon dahil nandon naman ang mga kabarkada niya.

Bumaba ako para maghanda ng makakain namin pero napatigil ako ng makita ang balita. Nakaupo sa sofa si Raph habang seryosong nakatitig sa Screen ng Tv.

Ang nangyaring putokan pala kahapon ay kasali don si Yvo at mga tauhan niya.Lumapit ako doon at seryosong tiningnan kong sinong namatay na nasa balita ngayon.

Si Mr. Warner. Ang Daddy ni Sam... Nakilala ko siya nitong nakaraan noong pumonta ako sa bahay nila Sam. Ngayoy nasa balitang namatay ang isa sa malaking dr*g lord dito sa pilipinas.

Mabilis kong kinuha ang phone ko para tawagan si Sam pero bumongad sakin ang mga text ni Kath.

KATHLYN;
Nakita mona ba ang balita?
Via! Hindi ko matawagan si Sam
Oh my I'm worried na.
Naka off ang phone niya.

Bumoga ako ng hangin. Nakita kong bumaling sakin si Raph kaya agad kong binaba ang phone ko at pumonta sa kosena.

Nagluto ako ng makakain ng taong yon at pagkatapos ko dito ay didiritso na ako doon sa bahay nila Sam.

Napasinghap ako ng masugatan ang kamay konang kotselyo dahil sa pagmamadali. Kita ko ang dugong lumabas doon. Nahulog kopa ang nilagyan konang manok na lulutoin ko.

Wala pang ilang minuto ay nandito nasi Raph. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at tiningnan yon. Hinila niya agad ako at inalis ang dugong lumabas doon.

Hinayaan ko siyang gamutin yon at lagyan ng maliit na binda. Tumingin ako sa mukha niya na seryoso na nakatingin sa kamay ko pero bakas doon ang pag-aalala.

Nang umangat ang ulo niya ay agad akong nag iwas ng tingin pero siya naman ngayon ang nakatitig sakin. Napakagat ako ng labi ng hindi na niya inalis ang tingin sakin.

Napasapo ako ng ulo ng maramdamang kumirot ito. Napatingin ako sa mukha niya at may mga imahe akong nakita na naalala kona ngayon.
******

"I love you " Wika nito habang ako naman ay abala sa vedio games at nakasandal sakanya.

"Hmmmm..."

"Where's my I love you too!" Hindi ko ito sinagot.

"You don't really love me"

Binalingan ko saglit ang mukha niyang nakasimangot ngayon. Kusa ko itong hinalikan kaya napangisi siya at agad kong binalik ang atensiyon sa games.

"I Love you Via"Naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

"Thank you"Sagot ko rito.

"Look, you don't really love me"

parang bata ito.

"Hahalikan ba kita kong hindi kita mahal"Inis kong saad.

"Why can't you say I love you too?, Four words lang yon babe"Bumontong hininga ako at pinatay ang phone.

"I love you... Happy?" Ngumisi ito at tumango tango.  Niyakap ako nito at siniksik ang mukha sa leeg ko.

******

Hindi ko sinabi sakanya na may konte na akong naalala.

Gusto kong maalala ang lahat lahat ng nangyari.

Gusto kong pumonta ngayon kila Sam at makiramay sa nangyari sa daddy niya.

Gusto niya akong samahan kaya hindi kona pinigilan. Baka rin may kalaban doon sila Kuya. Mahirap na.

Napagod siya sa kakatitig sa laptop niya kagabi dahil sa kailangan niyang ayusin bago lumipat sa company ni Lolo. Kaya ako na ang mga d-drive ng kotse. Nag seatbelt na ako at ganoon rin siya. Pinaandar ko ang makina ng kotse saka ito pinatakbo.

Pansin kong pamumungay ng mga mata niya dahil sa wala pang tulog ng ilang araw.

"Kaya konang mag-isa. Hindi mo kailangan sumama"Aniko.

"Sasamahan kita"Hindi na ako pina-angal.

Dumiritso kami sa loob ng makarating kami. Nag-paiwan siya sa mga kakilala niyang narito at may pinag usapan sila.

Nakita kong umiiyak si Sam habang nakaupo roon at nasa kanyang tabi si Kath. Mabilis akong lumapit at agad siyang napatayo ng makita ako at mabilis na yumakap sakin habang humahagolgol.

Marahan kong tinapik ang likod niya para patahanin. Bumaling ako kay Kath na mukhang umiyak rin dahil sa pamamamaga ng mga mata niya.

Dinala namin sa loob si Sam at iniwan doon ang tiya niya na umasikaso sa mga dumarating. Kumoha ako ng tubig at pina-inom ito sakanya.

"Girl, Tibayan mo ang loob mo" Kath said.

"Hindi kona alam"Umiling iling ito.

Hinawakan ko ang kamay nito at mahigpit kong naramdaman ang pagkakahawaka niya.

"Nandito lang kami" Aniya ko. At ngumiti nito.

Pinasandal ko ang ulo niya sakin . Tiningnan kosi Kath saka bumoga ng hangin.

"Ma'am Via! Hinahanap po kayo ng asawa niyo" Isa sa katulong nila dito. Tumango ako.

"Sabihin mo nandito ako"Agad rin itong umalis.

Hindi kami umalis hanggat hindi sumama samin si Sam. Ayaw naman naming mag-isa siya doon baka maisipan pang sumonod sa Daddy niya.

Sabi sakin ni Kath doon na muna siya sa bahay nila.

Umowi kami ng bahay at dumiritso narin ito sa kuwarto niya. Ilang minuto ang lumipas ng tumayo ako mula sa kinauupoan at nakita siyang lumabas.

Akala ko tulog na siya.

Nagluto ako ng makakain namin. Natatandaan kopa yong mga paborito niya kaya yon nalang ang niluto.

Hindi kopa naiihahain ng dumating siya. "Lakas ng pang-amoy mo"Aniya.

"You're cooked is my favorite"

My Husband is my Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon