warning : suicidal ideation
Two
-ˋˏ✄┈┈┈┈✧༺♥༻∞"Ano ba 'yan! Ang gulo-gulo naman, Kuya Hunter!" Ate Hera screamed.
I laughed with them. They have been like that since we left, all they did was tease and tease each-other. Kanina pa sila sinisita ni Kuya Harlow pero maya-maya ay babawi naman ang isa sa kanila. I shook my head when Ate Hera started puching Kuya Hunter's arm.
Kuya Hunter groaned. "Hey! Walang sakitan, tulog ka 'pag sinaktan kita,"
"Aba?! Lakas mo, ah! Kuya Harlow, oh. Mananakit ng babae," sumbong ni Ate Hera kay Kuya Harlow na nag-da-drive.
"As if naman na mananakit talaga 'ko ng babae, tsong. 'Di ko gagawin 'yon, naiisip ko pa lang na may babaeng katulad niyo ang masasaktan—nasasaktan na rin ako," he said laughing.
Even so, he laughed while saying that; my heart was still happy to hear it from my brother. Masaya akong mayroon akong kapatid na nilakihan na ganito. They are more than they could imagine.
"Hala! Gumagano'n s'ya 'yan!" puna ni Ate Hera.
He glared. "Joke lang yata 'yon, parang ikaw unang-unang babaeng sasaktan ko ngayong araw, Heratta."
"Pangit mo, Hunter!" she shouted.
Kuya Hunter laughed. "Bawal magsinungaling. Nakikita ka ni Lord,"
Ate Hera groaned and rolled her eyes. Napaka-maldita ng kapatid ko, mabuti na lang at hindi talaga 'ko nagmana sa kanila.
"Huy. . . ang tahimik mo," puna ni Ate sa kanang gilid ko.
"Tahimik naman talaga 'yan—slight," sabat ni Kuya Hunter.
"'Wag papansin 'pag 'di ikaw kausap, ha? May line po rito," she said and acted like drawing a line between them.
I glance at Ate Hera. "Wala, Ate. Kinakabahan lang ako,"
Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila na section 1 ako. Feeling ko kasi 'di naman ganoon 'yon ka-importante kaya hindi ko na lang sasabihin. Siguro magugulat sila—iyong gulat na hindi naman ako matalino pero bakit ako section 1.
It really is true that this achievement of mine is not that important. They've been here as well, so why would they want to hear mine, right?
I sighed. Ang hirap-hirap naman nito. P'wede ba maging hot dog na lang ako sa fridge?
"Huh, bakit?! May nam-bu-bully ba sa 'yo?!" Kuya Hunter asked exaggeratedly.
I shook my head.
"Ah. . . kasi makikita mo na 'yong crush mo?" he said while nodding.
My eyes widened in shock. Magsasalita na sana ako ng biglang humiyaw si Ate Hera.
Ate Hera clapped her hands. "Great taste, Harmony, ha! Ang pogi no'ng kapatid ni Monique, in fairness!"
"Mas pogi pa sa 'kin?"
"Mas pogi pa sa 'yo!"
I shook my head. Hindi na talaga sila titigil sa pagkukulit, kanina pa 'yan. Rinding-rindi na ang tenga ko. Feeling ko tuloy immune na immune na si Kuya Harlow kasi 'di man lang siya nagrereklamo.
Tatawa lang o 'di kaya'y ngingisi.
"Really? You have a crush, Harmony?"
Halos manlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses na iyon. Gusto ko na lang magpakain sa sasakyan namin dahil sa hiya. Bakit ba kasi ang ingay ng dalawa kong kapatid?!
BINABASA MO ANG
Querencia (Midnight #1)
Teen FictionMIDNIGHT SERIES #1 Mahirap mapunta sa isang pamilyang may nabuong gawain o tradisyon dahil sa paglipas ng panahon hindi maaring mabali ang kahit ano o isa roon. Just like Harmony who suffered from her parents expectations, all of them were smart, al...