Chapter 37

16 1 0
                                    

Thirty-seven
ˋˏ✄┈┈┈┈✧༺♥༻∞



Binagsak ko ang sarili ko sa sofa at tiningnan ang lalaking umiinom ng kanyang kape.

"I'm pro-divorce. Walang nang p'wedeng maging dahilan para maging against ako roon." Biglang sabi ni Maxeus at humigop muli sa kanyang kape.

We are currently here in our living room, resting. I don't actually know why we're both here when we have a lot of schoolworks to do. Katatapos naman namin at nagpapahinga kami pero parang gusto ko na ulit gumawa na lang nang gumawa dahil parang sinasampal ako ng mga school works ko na wala akong karapatan na magpahinga.

I was asking his thoughts about divorce. . . and of course a kind of guy like him I have already expected that he'll be pro-divorce. . . just like what he said, there's no reason for him to be against divorce.

Ang pahinga naming dalawa ay nauwi lang sa pag-uusap patungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa aming paligid. I know that Maxeus is the type of guy that tries to involve himself about social issues. . . he may look like someone who doesn't care about it, but he really is aware of the current issues.

Minsan ay kinukwestyon ko ang pagiging HUMSS student ko dahil sa kanya.

Tinaas ko ang kilay ko. "There are people arguing about it, some are anti and some are pro. . ." ani ko at saka binasa ang mga kumento.

"Actually after knowing that they will be implementing the divorce here in the Philippines, I was happy dahil 'yung mga taong matagal nang gustong umalis sa relasyong hindi sila masaya at sinasaktan sila ay magiging malaya na. But hearing there are debates that have been happening about it. . . I don't understand." He said. "Bakit? Ano raw rason no'ng mga anti-divorce?" Tanong ng lalaki.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa. "Well. . . hindi naman lahat, but most of the people here in the interview—'yung mga anti-divorce are the old ones na may pamilya. . . they looked happy though." Ani ko sa binata.

Tumango siya. "They're anti-divorce?" Tumango ako. "Why?" Kumunot ang noo niya.

"Listen to her statement," anang ko at saka plinay ang video.

"Against ako sa divorce. . . bukod kasi sa ayaw ng simbahan doon, masisira 'yung pamilya na binuo ninyo, kaya bakit gagawa ng batas na ikasisira ng pamilya kung mayroong mga batas na pinagtitibay ang pamilya? Ang gulo-gulo ng mga tao. . ." bahagyang tumawa iyon. "Hindi na lang sila maging masaya at ipagpatuloy ang kaniyang mga buhay. Iyang mga senador na nagpapatupad ng divorce, paalala lang ho na nasa katolikong bansa tayo. . ."

Sumingit doon ang katabi niya, mukhang magkaibigan silang dalawa. "Kapag kasi may divorce na hindi na masyadong mag-uunawaan ang mga mag-aasawa, parang kaunting away lang ay idadaan na kaagad sa hiwalayan. . . at saka sabi ng mga pari rito sa amin hindi dapat mapaghihiwalay ang mag-asawa ng kahit ano. . . kaya po hindi ko naiintindihan ang mga taong agree sa divorce,"

Tumaas ang kilay ko, I think I really don't belong where strand I am right now. I know it necessarily needs a lot of patience since in HUMSS it will be tackling a lot of social issues, and we, HUMSS students, need to be vocal about their different opinions and point of views. . .

But hearing this girls' statement, obviously from a fortunate family, it looks like she doesn't look at the other aspect of divorce.

"They talk a lot about churches. . . I mean, yes, we are from a catholic country but that doesn't mean we always need to follow what the priest says especially when it's already bad for our family." Ani Maxeus.

He's right. Paano kung hirap na hirap na talaga sa pamilyang kinalolooban kailangan mag-stay pa rin kasi sabi ng pari? Kasi ayun 'yung nakasanayan? Sometimes, practicality is what people need. Hindi tayo p'wedeng maiwang sa pantasyang ayusin nang ayusin ang problema sa iisang pamilya.

Querencia (Midnight #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon