Chapter 22

15 1 3
                                    

Twenty-two
ˋˏ✄┈┈┈┈✧༺♥༻∞



Hinawi ko ang kurtina at agad naman akong binati ng sikat ng araw. Nakasisilaw, masakit sa mata. Hinintay kong kumalma ito upang buksan muli ang kurtina at pagmasdan ang magandang paglubog ng araw.

As I've said—sunset is the most beautiful goodbye we could ever have.

Ito ang paalam na nanaisin kong panoorin pagdating ng dapit hapon. It's a sign of a new tomorrow, that even though it means goodbye, it also means there's another tomorrow—there's another opportunity to grab.

Ito ang tanawin na minsan ko nang itinuring na kakaiba at nagmumukod tangi dahil sa kasama kong manoodn nitong minsan.

Na ngayon ay tila naging isang estranghero na lang para sa akin.

It's hard to think na ganoon ang naging pagbati niya sa 'kin ng Maligayang Pasko. He made me cry for the first time, at ang inakala kong pagpapaiyak niya sa akin dahil sa saya ay naging kabaliktaran pa.

Wala akong sinabihan tungkol dito.

I want to cut ties with him silently. Ayokong umabot ito sa mga kapatid ko dahil alam kong naging mabuti ang pakitutungo niya roon at gano'n din sila kay Maxeus. The things that happened between us will stay between us.

They don't need to know because it wasn't Maxeus' fault. I assumed that there's something in between his actions.

Isinandal ko ang ulo ko sa hamba ng cabinet kong nasa aking tabi. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang hanging nagmumula sa aking bintana.

Wala pang ilang minuto nararamdaman ko na naman ang pamamasa ng aking pisngi. I am crying again. I have been like this for quite a month or two now. Hindi ko alam kung paanong hindi napapansin ng mga kapatid ko ang pagiging balisa ko ngunit naging magaling yata ako sa pagtatago nito.

Ilang buwan na lang ay hindi ko na siya makikita.

This school year is near its end. I am so excited to be free from these invisible bars in front of me. Para akong sakal na sakal netong mga nagdaang buwan dahil alam kong nasa iisang silid-aralan lamang kami ni Maxeus. Mayroong mga araw na ginugusto ko na lamang manatili sa aking kwarto at huwag na pumasok.

Foundation week had come and I didn't have to enjoy my last foundation week as a Junior High School student because I chose to not go to school and pretended that I was sick.

Hindi ako nagpapahawak sa mga kapatid ko dahil alam kong hindi ako mainit. Ewan ko ba kung paano ko nagawang paraan na sabihin sa kanila na ayokong pumasok dahil may sakit ako.

I chose to stay at home because the feeling of seeing him or Francine makes me sick. Baka totoong magka-sakit lang ako kung pumasok lang ako ngayon tapos wala namang gagawin. Nabalitaan ko rin na hindi pumasok si Beige at Tori dahil may pinuntahan silang dalawa upang mag-usap.

Vida and Ela are doing well these past few days. Wala naman daw silang mga problema at ayos lang sila, katulad ng inaasahan.

Ang mga kapatid ko naman ay mukhang nagiging mas maayos na kaysa noong mga nakaraan. I didn't ask them about it, and I didn't hear it again anyways. Hindi ko alam kung nag-iingat lang ba sila o talagang wala lang iyong mga narinig ko dahil mas maayos na si Ate Hera noong huling kita ko sa kanyang mukhang matamlay at walang gana.

Everything's making their way on how they plan everything.

Everything's going well now.

Ako na lamang ang hindi.

After deactivating all my social media accounts except for X since that's the only thing I am keeping that no one but seyuswhitehawk knows about.

Gusto ko rin sana iyon na i-deact kaso naalala kong wala naman siyang masyadong ganap sa buhay ko at siya lang din naman ang napagsasabihan ko ng problema pero hindi ako kilala personally.

Querencia (Midnight #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon