warning : emotional & physical abuse
Thirty-four
ˋˏ✄┈┈┈┈✧༺♥༻∞"Go HUMSS!" The crowd uproar cheering for HUMSS Basketball players, including me.
The matches today are HUMSS and STEM, talagang magandang laban ang meron ngayon dahil dikit lamang ang score, halos lahat ng SHS students ay nandito para manood ng laro ng strand namin at ng STEM.
I cannot deny that STEM is like a threat to us, HUMSS students.
Magagaling din naman ang mga ABM students pero kahit yata sa court ay mag-a-accounting sila. Isama mo pa ang mga TVL students na kaunti na lang ay gagawin ng ingredients ang mga players ng bawat strand.
"Bumili na tayo ng food ng cafeteria! Gutom na 'ko." Si Ela na galing sa kasisigaw.
Nasa gitna nila akong dalawa ni Vida, si Vida ay namomroblema na sa second sem nila dahil daw sa FABM nila. Talagang expected na siya ang mag-a-ABM sa 'min, kasi alam kong marami ring business ang mga Javier na kilala rito sa Pilipinas.
"Tara na, 'di ko rin alam kung sinong iche-cheer ko, wala naman 'yung strand ko r'yan." Ani Vida.
Tumawa ako. "Even though your strand is on game, 'di ka pa rin naman nagche-cheer napakaplastic, Vida!"
"Totoo rin, 'te. Ayaw mo ba sa strand mo?" Si Ela sa kabilang gilid ko.
We are now walking on our way to the cafeteria. At nasa gitna pa rin nila ako, kaya naman pabalik-balik ang baling ko sa kanilang dalawa sa tuwing magsasalita sila.
"Hindi naman sa ayaw." Tanggi ni Vida. "It's just. . . it feels-"
"Incomplete!" Pagkumpleto ni Ela kay Vida. "Bakit? Dahil walang sports si friend? Or. . . 'di rito ganap 'yung sport ni friend?"
"Ela!" Reklamo ni Vida.
Ela and I clasp our hands as we share a laughter seeing Vida's reaction. She is blushing so hard right now.
"Punyeta ka, Vida. Pass sa halata, sister," pang-aasar pa lalo ni Ela kay Vida na lalo nitong kinamula.
"Punta naman tayo sa Badminton field later," I suggested.
Ela chuckled. "Dalaga na mga anak ko," she said.
The intramural started today, punong-puno pa ng estudyante ang campus namin dahil first day pa lang naman ng intrams, maybe tomorrow ay half na lang at sa mga susunod na araw ay wala na.
Kumain lang kami saglit nina Vida at Ela sa cafeteria dahil ginugutom na kami, marami ring taon sa cafeteria tulad ng inaasahan—hindi naman lahat nasa field para mag-cheer ng kani-kanilang strand.
Pakiramdam ko ay marami ring nanonood sa Badminton field ngayon, mainit kasi ang laro ng STEM at HUMSS sa Basketball.
Bigla kong naalala na sinabihan pala ako ni Iosef na bilhan ko raw siya ng gatorade kung sakaling pupunta ako ng cafeteria, nakalimutan niya raw kasi tapos nagsa-start na 'yung game, I didn't find any reason to not follow him kaya naman namili ako ng dalawang gatorade.
One for Iosef, one for me.
Parehong color blue ang binili ko dahil 'yun naman talaga ang masarap.
Bumalik muna kaming tatlo sa Basketball field para ibigay kay Iosef 'yung gatorade niya. When I reached the place where he was and the moment I handed him the gatorade, a group of people beside him started to pour different kinds of teasing.
Kinunutan ko sila ng noo at halos ibato ko sa kanila ang isa pang gatorade na hawak ko.
They are actually making a scene right now, damn!
BINABASA MO ANG
Querencia (Midnight #1)
Novela JuvenilMIDNIGHT SERIES #1 Mahirap mapunta sa isang pamilyang may nabuong gawain o tradisyon dahil sa paglipas ng panahon hindi maaring mabali ang kahit ano o isa roon. Just like Harmony who suffered from her parents expectations, all of them were smart, al...