Thirty-five
ˋˏ✄┈┈┈┈✧༺♥༻∞"Nagiging okay na si Harms eh. . . why does this need to happen? She has been through a lot, ang bata-bata pa ng kapatid ko para pagdaanan lahat ng 'to. The world had been so harsh to her, hindi niya na na-enjoy ang kabataan niya dahil sa mga nangyayari sa kanya. . ."
"She doesn't deserve any of this. . ."
"Tangina, kinakawawa na naman nila 'yung kapatid ko, nanahimik at matiwasay na ang buhay niya netong mga nakaraan. Hindi na lang sana siya umuwi,"
"I'm sorry for not being careful. . . I forgot about Mom and her current state. I'm sorry, there's really no one to blame here but. . . obvious-fucking-ly it was my fault,"
'Yan ang ilan sa mga linyang narinig ko mula sa mga kapatid ko habang nakapikit ako. I was trying to open my eyes but I couldn't. Patay na ba ako? O sadyang mabigat lang talaga ang talukap ng aking mga mata? I tried opening my eyes again, and this time—I successfully opened my eyes.
My eyes landed on my siblings who are now looking in pain and stress. Kuya Hunter's sitting while his two forearms are resting on his legs, slightly bowed while tousling his hair. Kuya Harlow is resting his body on the backrest of the sofa while looking up. While on the single sofa; Ate Hera's frustratingly crying there while pulling her hair.
I glance at the basin in the center table. . . nagbalik alaala sa akin ang palanggang nakita ko sa kwarto ni Mommy.
Sumikip ang dibdib ko nang marinig ang boses niyang muli, ipinikit ko ulit ang aking mga mata—hiniling na sana'y 'di ko na lang ginawa dahil mas lalo lamang lumawak ang aking imahinasyon at ibinalik ako sa nangyaring insidente sa amin ni Mom.
"Harmony. . . Harmony?!" Biglang dumaan ang galit at inis sa mukha niya. "H'wag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng bobong iyon, Hera! I embarrassed myself for having a daughter like her! Don't you dare utter that name of hers!" Tumayo siya at sinunggaban ako ng yakap. "Ayoko sa babaeng 'yon!" Sigaw niya pa.
"For me, you're the only daughter I have, Hera." Nagulat ako ng agresibo niyang inalis ang yakap sa akin. "Hera, umalis na tayo rito! Ayoko na rito, I can't bear having that Harmony in my life anymore! She's making my life miserable! Please, Hera, iwan na natin siya! Naiinis ako sa kanya ang bobo-bobo niya!" She shouted on the top of her lungs.
"Pasensya na, Hera, anak ha? You're so stubborn, I already told you, right? I hate Harmonia, I hate your sister so much. She made my life like this. She ruined me so badly."
My body started to tremble upon hearing those lines from Mom. Ang imahinasyon ko ay binalot na naman ng kanyang mga salita at presensya. I started to feel my hot tears through my cheeks, ang mga kamay ko ay nanginginig kasabay ng pagbigat ng aking dibdib.
"Please. . . t-tama na, please. . ." bulaslas ko.
"Harmony! Please, open your eyes! Harmony. . . please, please!" I heard Ate Hera cried.
Hindi ko alam ang estado nila ngayon dahil nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Nakaramdam ako nang paghawak sa akin mukha. Humina rin ang mga hikbi ni Ate Hera, pakiwari ko'y lumayo siya at may pumalit sa kanyang pwesto.
A rough and calloused hand held my cheeks. I felt how those hands wipe the tears on my cheeks.
Dahan-dahan na kumalma ang aking paghinga at bahagya kong binuksan ang aking mata upang salubungin ang mata ni Kuya Hunter.
"Kalma, Harms, okay? Walang mananakit sa 'yo rito. Ligtas ka rito." Paulit-ulit pa siyang bumulong ng mga salitang magpapakalma sa akin.
Tuluyang nawala ang mabigat na paghinga at panginginig ng katawa ko. I saw how my two siblings went closer to us. Iyak nang iyak si Ate Hera habang si Kuya Harlow naman ay tila ubos na ubos na ang kumpyansa sa sarili.
BINABASA MO ANG
Querencia (Midnight #1)
Teen FictionMIDNIGHT SERIES #1 Mahirap mapunta sa isang pamilyang may nabuong gawain o tradisyon dahil sa paglipas ng panahon hindi maaring mabali ang kahit ano o isa roon. Just like Harmony who suffered from her parents expectations, all of them were smart, al...