Thirteen
ˋˏ✄┈┈┈┈✧༺♥༻∞I sat down next to Ela and rested my head on her shoulders. Napangiti ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. Ang aga-aga naman. Napalingon ako sa dalawa kong kaibigan na nasa tabi ko nang bigla silang suminghap.
"Hoy. . . ano ba kasing nangyari sa 'yo kagabi, 'te? Kanina ka pa ngiti nang ngiti r'yan. Naengkanto ka ba, gago?" Muli akong natawa sa tanong ni Ela sa tabi ko.
"What are you talking about? Wala naman masyadong nangyari kagabi, ah. . ." I said as a smile plastered on my face again.
I can't stop thinking about what happened last night. It keeps on repeating in my head. How we talked, how he smiled at me, everything about that night. . . is just perfect. Gusto ko tuloy bumalik doon para ulitin lahat ng ginawa namin.
"Were you with someone last night, Harms?"
Napaangat ang tingin ko nang magsalita si Vida. She looked serious, I don't know if it was because she's worried or curious just like Ela. Bumaling ako sa tabi ko upang humingi ng tulong ngunit nagkibit balikat lamang sa akin 'yon.
Ang ta-traydor naman ng mga kaibigan ko!
Should I tell them what happened and who I was with last night? I bit my lips as I reminisced about everything, heto na naman ako.
"I'm shy. . . stop staring at me like that, Vida," I told her and lowered my gaze.
Inalis ni Ela ang ulo ko sa balikat niya nang marahan at suminghap na animo'y nasasaktan sa aking sinabi. What? Wala namang mali ro'n, ah. I really am shy telling them about that!
"May kasama talaga 'to kagabi. Grabe, kelan ka pa nahiya sa 'min, 'te?" Anas nito.
"We won't force you if you're not comfortable telling about what happened last night, Harms. . . we're just worried, okay?" Si Vida.
Tumingala ako, balak ko naman kasi talagang sabihin sa kanila 'yung nangyari kagabi. Nahihiya lang talaga ako pero I already planned telling them about what happened! They don't need to please me.
"Sasabihin ko naman kasi talaga, ang eexcited n'yo kasi, eh. . ." I trailed off.
Muli akong nakarinig ng singhap sa aking tabi—mula sa pwesto ni Ela.
"Ate? Paanong 'di ka mamadaliin 6:45 na, maya-maya magbebell na 'yan," reklamo muli ni Ela.
Ngumuso ako. "Ganito kasi. . ."
"Ano?" Sabay nilang tanong.
I took a deep breath. "I was with. . . Maxeus last night,"
Nakita ko kung paanong mahulog ang parehong panga ng kaibigan ko. Mga ilang segundo silang ganoon bago bumalik sa reyalidad at kumurap pa ng ilang beses.
"Tangina, bes. . . ikaw na talaga!" Si Ela sa tabi ko.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Vida. "Kaya pala ayaw mo agad sabihin, ha. Will you mind if we ask some deets about what happened?" Naka-ngisi pa rin siya nang sabihin 'yon.
"Pero, before that no'ng nakaraan ng morning I was with him and Francine," kita ko ang dumaan na gulat sa kanilang mukha ng banggitin ko ang pangalan ni Francine.
"What?"
"Bakit?"
With biting lips, I took another deep breath. "Maxeus and I were peacefully studying at the Lib, and then nakatulog ako kasi that was the time na kame-meet ko lang sa inyo, so he insist na I should sleep na raw muna, tapos when I woke—I was so shocked, hearing Francine's voice. . . hindi naman talaga siya inaya ni Maxeus, pero I invited her to sit with us. Nakakahiya kasi, eh," mahaba kong kwento sa kanila.
BINABASA MO ANG
Querencia (Midnight #1)
Teen FictionMIDNIGHT SERIES #1 Mahirap mapunta sa isang pamilyang may nabuong gawain o tradisyon dahil sa paglipas ng panahon hindi maaring mabali ang kahit ano o isa roon. Just like Harmony who suffered from her parents expectations, all of them were smart, al...