Chapter 24

18 1 1
                                    

Twenty-four
ˋˏ✄┈┈┈┈✧༺♥༻∞



"Nood naman kayo ng laro ko after ng graduation at moving up niyo," Kuya Hunter nudged at us.

We're in Ate Hera's room, fixing ourselves for the event later, which is our graduation and moving up ceremony. Medyo patapos na kami nang pumasok si Kuya Hunter kani-kanina para manggulo. . . we didn't hire a makeup artist, although Mom did insist to hire but Ate Hera chose to not accept it.

Gusto niya kasing maging simple lang ang makeup and hair niya ngayong araw. She even told Mom that she can fix herself, same with Kuya Harlow na kaya naman daw nitong ayusin ang buhok niya—at first, I thought Mom wouldn't offer me but surprisingly she did, but I did not accept it either.

Kaya ko rin namang ayusan ang sarili ko.

Lumingon ako kay Kuya Hunter at ngumuso sa kanya. Tumaas ang kilay niya sa ginawa ko. I grabbed the flat iron on the table and handed it to him.

Marunong si Kuya Hunter mag-ayos ng buhok ko. Gusto ko lang pasadahan ng mabilis na plantya ang buhok ko at alam kong si Kuya Hunter ang may kaya noon dahil hindi pa rin naman tapos si Ate Hera and she seemed to help Kuya Harlow fix himself.

He groaned. "Naging taga-flat iron pa ng buhok, ah. Sana pala 'di na 'ko pumasok dito."

I looked at our reflection through the mirror. "Ayaw mo ba? Give it to me," I raised my right hand to get the flat iron.

Inilayo niya iyon at sinimulang i-section ang buhok ko—a smile formed on my lips. Sus, ang daming sinasabi gusto rin naman akong tulungan. He always pretends to hate what he's doing but the truth is, he really is enjoying fixing my hair right now.

Parekla-reklamo pa eh.

"Kawawa naman 'tong buhok mo kung 'di mararanasan ang haplos ko, 'di ba? Sa kagwapuhan ko namang 'to. Talaga namang pagkakaguluhan ako para mag-ayos ng buhok. Hays, hirap maging pogi lang." He blurted out as he gently flat ironed my hair.

Ang yabang talaga ng isang 'to.

Parang gusto ko na talaga bawiin 'yung flat iron at sa bibig niya ko na lang iyon ipapasada.

"Yabang mo, 'no? Pasapak nga, Kuya." Anas ko.

"Aba. . . hawak ko buhay mo ngayon, Harms. Isang pangtatarantado mo lang sa 'kin papasuin kita!" Aniya.

"Isa, Kuya! Masakit 'yan!" Tili ko.

"Oh, talaga? Walang may pake." He mocked my voice.

"Kuya, I swear talaga kakatayin kita kapag hindi maayos 'yang buhok ko!" I shrieked as I hit his left arm using my right palm.

Nanginig ang kamay niya dahil doon, umabante ang kanyang kanang kamay na ginagamit pang plantya ng buhok ko, naramdaman ko ang mainit na plantyang lumapat sa aking balat sa likod. Ngiwi akong umaray dahil sadyang mainit ito at hindi agad naialis ni Kuya Hunter ang kamay niya sa pagkadidikit sa balat ko.

I saw through our reflection how panic ate his expression.

"Shit!" Sigaw nito.

"Kuya, do you hate me that much." I grimaced when I felt the hot trace of the flat iron on my skin.

"Gagi, sorry! Hindi sadya, promise! Sorry. . . 'di na 'ko mang-aasar, seryoso muna ako ngayon para matapos na." Aniya at saka tiningnan ang parteng napaso sa akin. "Ay gago, namula talaga." Kumento nito.

"Kuya naman kasi," reklamo ko.

"Oh, ano'ng nangyari r'yan? Napaso?" Tumango si Kuya Hunter sa tanong ni Ate Hera. "What were you doing?"

Querencia (Midnight #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon