One
-ˋˏ✄┈┈┈┈✧༺♥༻∞I was fixing my things when someone knocked on my door. Agad na kumunot ang noo ko dahil doon, my siblings are not here; ang pagkakaalam ko ay umalis sila kaninang umaga at ngayon ako naman ang aalis.
Napalunok ako nang pumasok sa isip ko si Mommy—no, please. Not now, hindi ko pa kayang tumanggap ng mga masasakit na salita ngayon. What happened yesterday was still vivid, kung sa iba ay mawawala agad ang sakit—sa 'kin hindi, mananatili iyon hanggang sa masanay na lang ako sa sakit na binigay noon.
The knocks on my door became heavy as my chest became heavier, too. Kung si Mommy man ito, why would she want to talk to me? Ano na namang ginawa ko? Dahil na naman ba 'to sa nangyari?
"Hoy, Harmonia! Kung kausap mo 'yong nakita natin sa Jollibee kahapon, itigil mo 'yan, 'di 'yan makakabuti sa 'yo! 'Yong mga ganoong itsura, naku! Mananakit lang 'yon!" I heard a familiar voice coming from my door.
Tila, nawala ang lahat ng pangamba at takot ko nang mabosesan kong si Kuya Hunter 'yon.
Thank God. You really know when I need You the most.
I took a deep breath. Mabilis kong binuksan ang pinto ang iniluwa nito si Kuya Hunter na naka-pantulog pa. He's wearing blue Paw Patrol pj's. My brows went up, 'kala ko ba umalis silang lahat? Ano'ng ginagawa nito rito?
He gasped when he saw me. "Aba?! May lakad ka, may date ka, 'no!" hiyaw niya. He even crossed his arms and narrowed his eyes while accusing me.
Umirap ako, "Don't be so OA, Kuya Hunter. Mag-pi-Primero lang ako, you can bring me there if you want, sayang kasi pamasahe, eh." I told him, hindi nawawala ang panliliit ng mata niya kaya kinunutan ko siya ng noo. I raised my brows and glared at him. "Wala nga 'kong ka-date,"
He scoffed. "Sa ganda mong 'yan?! 'Di ako naniniwala,"
"Eh, 'di 'wag! 'Di naman kita pinipilit, duh," inis kong sabi. I quickly averted my gaze on my bead, naroon kasi ang bag ko na may lamang wallet, cellphone, tissues, and alcohol—these two essential, 'yan ang hinding-hindi ko p'wedeng lilimutan.
I grabbed my things and was ready to go out when Kuya Hunter held my wrist. I heaved a sigh.
Ito na naman siya. . .
I shifted my gaze on him. I was a bit shocked when I saw how serious his face was. Hala, na saan na 'yong Kuya Hunter ko?
"Kapag totoong may manliligaw o kinikita ka na, Harmony. . . 'Wag kang mahihiya mag sabi sa 'kin kapag nahihiya ka kina Kuya Harlow, ha? Basta, ipakilala mo sa 'kin nang masuri ko. Hindi ko naman kakainin 'yon, 'no! I-che-check ko lang kung worth it ba siya para sa 'yo," seryoso niyang saad habang may maliit na ngiti sa labi.
Agad akong lumapit sa kaniya para yakapin nang mahigpit. He's really something when he became serious, maybe he's the jolly and loves to tease us; but, you can always count on him when you need him. Sobrang solid talaga ng samahan naming tatlo.
I would never trade them from anything.
I love them so much.
"Hatid na kita? Para naman makita ko 'yong future bayaw ko sa 'yo," he said in his teasing tone. I rolled my eyes, he's back in his usual self. Serious and jolly Hunter—pareho kong mahal na mahal.
"Kainis 'to, wala nga! Ni hindi ko nga 'yon nakakausap! Kuya talaga, eh,"
"Okay. . . sabi mo, eh," nagkibit-balikat pa ito, sumasang-ayon ngunit taliwas ang kanyang reaksyon.
Mabilis kong sinuntok ang dibdib niya at dumaing naman ito.
I smirked. Deserve.
"Ano? Ihahatid mo ba 'ko? Tara na," aya ko.
BINABASA MO ANG
Querencia (Midnight #1)
Teen FictionMIDNIGHT SERIES #1 Mahirap mapunta sa isang pamilyang may nabuong gawain o tradisyon dahil sa paglipas ng panahon hindi maaring mabali ang kahit ano o isa roon. Just like Harmony who suffered from her parents expectations, all of them were smart, al...