ZIANAKATAYO ako ngayon sa harap ni Mr. Montereal dahil kinausap niya ang mga magulang ko at pinapunta ako rito. Wala naman akong ideya kung ano ang pinag-usapan nila.
"Good morning, Ms. Fernandez," nakangiting bati ni Mr. Montereal.
"Patrizia na lang po or Caryl," magalang na tugon ko dahil masyadong pormal kung tatawagin akong Ms. Fernandez.
"Okay, Patrizia," nakangiti pa ring saad nito. "I talked to your parents because I need a woman who can marry my son, VJ."
VJ? Hindi ba 't iyon ang asawa ni Kiera?
"Sir, wala po akong balak na maging kabit. 'Di po ba ay may asawa na ang anak niyo? Si Kiera?"
Natawa naman siya sa sinabi ko na ipinagtaka ko. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Eh, totoo naman iyon.
"I'm not pertaining to Justine. I'm pertaining to his twin, Jasper," paglilinaw nito na ikinahinto ko.
Tell me na mali ang iniisip kong tinutukoy niya. Jasper as in Vyn Jasper Montereal?
"Pero, Sir, bakit po ako?" Pahabol na tanong ko. "Marami naman pong babae na kasing yaman niyo, maganda, matalino at mataas ang pinag-aralan."
"Look, hija," panimula niya. "I'm not looking for a woman na sa panlabas lang may ibubuga. May pinag-aralan ka, may kaya rin naman kayo, you're just humble, maganda ka at cum laude sa kursong tinapos mo."
Nakagat ko naman ang labi ko dahil sa sinabi ni Mr. Montereal. Hindi ko ugali ang magmalaki kaya nahiya ako sa mga sinabi niya.
"You are perfect for my son," pahabol na komento niya pa na ikinayuko. "Huwag mong ikahiya iyon. Keep yourself on the ground pero huwag mo namang masyadong ibaba. Be confident and humble at the same time, hija, dahil kung magpapakatotoo ako ay may ibubuga ka"
Oh, lupa. Please, kainin mo na ako.
"Jasper!" Sigaw nito na ikinagulat ko at nakaramdam ng kaba ngunit walang lumapit kaya lumapit ito sa dumaang katulong. "Can you please call Jasper and tell him to come here."Agad namang sumunod ang katulong kaya muli akong binalingan ni Mr. Montereal. "Have a seat, hija. Kanina ka pa nakatayo."
Nahihiya naman akong naupo sa mukhang mamahalin at sosyal na sofa nila.
"What do you want, Dad?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ang isang binatang kamukha ng asawa ni Kiera pero mas maamo ang mukha nito. Shocks! Ang guwapo niya talaga.
"Meet Patrizia," bungad sa kaniya ni Mr. Montereal at iminuwestra ang kamay sa gawi ko na sinundan niya ng tingin at nagtama ang mga paningin namin na ikinakunot ng noo niya habang ako ay lalong kinakabahan.
Kalma, Zia. Huwag mong ipahalatang matagal mo na siyang gusto. Hindi ka niya kilala kaya huwag kang mag-expect na papayag siya sa kasal.
"Then? What do you want me to do with her?" kunot pa rin ang noong tanong niya. "Why is she here anyway?"
"I want you to marry her," seryosong saad ni Mr. Montereal.
"What?! Dad, are you serious?!" Gulat na saad niya nang marinig ang sinabi ni Mr. Montereal habang ako ay nakatingin lang sa kaniya.
"Do I look like I'm joking?" Seryosong tanong ni Mr. Montereal na ikinairap ni Jasper.
"Well, to me, Dad? You are. So please, stop this nonsense," saad niya saka tumalikod at akmang aalis nang magsalita si Mr. Montereal.
"If you leave, leave this house, too. And expect that I'll cut everything. From you ATMs to your credit cards. I'll take your cars and condo too," pagbabanta ni Mr. Montereal na ikinahinto niya habang ako ay hindi na mapakali at gusto ko ng umalis.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...