CHAPTER 14

12 1 0
                                    

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE

CHAPTER 14

JASPER

Nagmaneho ako pabalik sa bahay nila Uno dahil hinayaan naman nila ako na suyuin si Zia.

Nang makarating ay dire-diretso ang pasok ko dahil hindi naman nila ni-lock ang gate, gano'n din ang pinto.

"Ang bili—"

"Zia."

Napalingon siya nang marinig ang boses ko. Akala niya yata ay sila Uno ang dumating.

"What are you doing here?" Biglang nagbago ang maamo niyang expression sa mukha. Naging malamig iyon.

Ngumiti naman ako bago sumagot, "I'm planning to take back what's mine."

Tumaas ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko, "Take back what's yours? Ano nga ba ang naging iyo na narito?"

Nakangiti pa rin ako nang humakbang palapit sa kaniya, "Ikaw. You're mine, Zia."

Pagak naman siya natawa, "Bakit? Ni minsan ba ay naging iyo ako?"

Tumango-tango naman ako bilang tugon, "Yes. Hindi lang minsan dahil hanggang ngayon ay akin ka, Zia." Saka ko siya hinapit sa baywang upang mapalapit siya sa akin.

Nalukot ang mukha niya at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak ko, "I was never yours, Dos. Naging tanga ako sa 'yo once, but that doesn't change the fact that I'm not yours, never."

Natigilan ako sa naging dating ng mga sinasabi niya, "So you knew? You knew that we're not married?"

Napalunok siya sa naging tanong ko and that was enough for me to know the answer, "Pvtangina! Pinagkaisahan niyo 'ko?!"

"Kailan ko lang nalaman. Nang umuwi ako sa kanila, noong araw din na iyon ko lang nalaman ma hindi tayo kasal," paliwanag niya pero tila wala ng epekto sa akin iyon.

"Zia, I begged for you to come back kasi akala ko kinasal tayo." Muling tumulo ang luha sa mga mata ko, "I'm desperate to cancel that fvcking annulment because I love you! But you made me look like a fool!"

"Jasper, wala akong alam no'ng una! I told you, kailan ko lang nalaman!"

"But you didn't say anything!" asik ko. Naghahalo na ang sakit at galit sa dibdib ko, "Pinagmukha mo akong tanga, Zia. All I did was to protect you kahit alam kong masasaktan ako."

Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya kahit pa nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha, "Tinanggap ko lahat ng masasakit na salita dahil buhay mo ang kapalit niyon, eh. For me, kahit mahirap, Zia, it was worth it because I have you! I have the woman who made me believe in love again!"

Gusto kong sumabog sa galit pero hindi ko kayang saktan si Zia kaya hinarap ko ang pader at doon inilabas ang galit ko. Pinagsusuntok ko ang pader at minsan ay napapasabunot sa sarili kong buhok.

"Jasper, enough!" awat ni Zia pero hindi ako tumigil hanggang sa dumugo na ang kamao ko, "I said enough!" Saka niya ako hinila palayo sa pader. Nang mapatingin ako sa kaniya ay basa na rin ng luha ang magkabilang pisngi niya.

"Nakakag*go lang, Zia, mahal na mahal kita, eh. Handa akong masaktan basta alam kong ligtas ka. Handa akong lumaban ng patayan, handa akong gawin lahat basta alam kong sa pag-uwi ko, mayro'n akong ikaw na naghihintay." Hindi na ako nahiyang umiyak sa harap niya kahit pa magmukha akong tanga.

"Ang sakit lang na 'yong taong handa kong ilaban ng patayan," Saka ako maliit na ngumiti, "Basta-basta na lang akong sinukuan. Siguro nga kung namatay ako bago umabot sa puntong 'to, hindi mo malalaman na wala na ako."

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon