CHAPTER 10

8 1 0
                                    


ZIA

Habang nakatira sa bahay ni Razen ay nasasanay na ako sa presensya niya na palaging nasa tabi ko. 'Yong tipong paggising ko ay sasalubong sa akin ang guwapong mukha niya na nakangiti pa.

Kasama ko siya sa paglilinis, pagluluto, paglalaba at kung ano-ano pang gawaing-bahay. Hindi siya mareklamo, maharot lang.

Ngayon ay gabi na, nakaupo ako sa sofa habang siya ay nakahiga. Nakaunan ang ulo niya sa hita ko habang hinahaplos ko ang buhok niya gamit ang isang kamay ko dahil ang isa ay hawak niya.

Maghapon kaming naglinis kaya bagsak siya nang magpahinga kami at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.

Nang mapatingin ako sa kamay ko na hawak niya ay nakita ko ang wedding ring ko. Right at that moment, it hits me.

I'm still married to Jasper. Hindi pwedeng paasahin ko si Razen. Kailangan ko munang umuwi sa bahay namin ni Jasper.

Hindi pwede ang ganito, na may asawa ako pero sa iba ako nakatira. Kailangan ko munang ayusin ang gulong mayro'n ako.

Nang tingnan ko ang mukha niya ay mahimbing siyang natutulog. Paano ko gigisingin to, eh mukhang pagod na pagod at ang sarap ng tulog.

Hinintay ko na magising siya. Nang magmula na siya ng mga mata, akmang magsasalita ako nang bigla siyang ngumiti kaya naurong ang sasabihin ko.

Bakit naman kasi ang gwapo kahit bagong gising? Pinisil ko ang pisngi niya bago nag-umpisa sa sasabihin ko, "Zen, uuwi muna ako."

Nawala agad ang ngiti sa mga labi niya, "Why? Ayaw mo na ba rito?"

"Hindi sa gano'n," awat ko agad sa sinasabi niya, "Kailangan ko lang munang asikasuhin ang gulo sa pagitan namin ni Jasper. Hindi kasi tamang tingnan saka… hindi bagay sa 'yo maging kabet."

Napatango-tango naman siya nang maintindihan ang gusto kong iparating, "I understand. Kailan ka uuwi?"

Matagal bago ako nakasagot, "Ngayon sana para masimulan ko ng ayusin ang mga dapat ayusin."

"Okay, ihahatid kita," tugon niya saka bumangon.

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit lang ng damit saka kinuha ang importanteng gamit ko which is my phone and wallet.

Nang bumaba ay nakita kong nakapagpalit na rin si Razen. Naka-cargo shorts lang siya at polo shirt.

Dumiretso kami sa kotse niya. Habang nasa byahe ay hindi niya binitawan ang kamay ko.

"Sinusulit ko lang, Pat. Ilang araw ko kasing hindi mahahawakan 'to, eh," anas niya nang makitang nakatingin ako sa mga kamay namin.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa bahay ni Jasper sa Laguna.

Hindi agad ako bumaba dahil hinuli pa ni Razen ang isa pang kamay ko kaya ngayon ay dalawang kamay ko na ang hawak niya.

"Mami-miss kita, Pat."

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya nang sabihin niya iyon kaya hinalikan ko siya sa pisngi.

"Mami-miss din kita, Zen."

Nang bitawan niya na ang kamay ko ay saka lang ako bumaba. Hinintay kong makaalis siya bago ako pumasok sa bahay.

Agad kong inihanda ang lahat ng gamit ko para kung maisipan kong umalis ay hindi ko na kailangan mag-impake.

Hindi pa nagtatagal ay narinig ko na ang ingay mula sa labas. Mga kinikilig na tawa ng mga babae.

Nilapitan ko agad ang pinto at binuksan iyon na ikinagulat pa ni Jasper.

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon