ZIA
NAKANGISI siya habang kabi-kabilang babae ang inuwi niya sa bahay na siyang bumungad sa akin nang pagbuksan ko siya ng pinto.
"Zia, I won't be here for uhm," saka siya umaktong nag-iisip at bumaling sa akin. "I don't know. Basta uuwi-uwi na lang ako rito," saad nito saka hinila ang dalawang babae papasok ng bahay ngunit bago pa sila makalayo sa kinatatayuan ko ay nagsalita siya, "I'm leaving after a week. You'll stay here, okay?"
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Sa gabi-gabing umuuwi siya rito sa bahay mula nang ma-engage kami hanggang sa ikasal ay palagi niyang ipinapamukha sa akin na hindi niya ako mahal at ayaw niya sa kasalan na nangyari sa amin. It was his father's decision kaya wala siyang choice. His twin got married 4 years ago kaya gusto ng daddy nila ay maikasal na rin siya.
Hinila niya na ang dalawang babae at mukhang hindi na sila makakarating sa kuwarto dahil sa kaharutan ng dalawang babaeng akay-akay niya. Ang babaeng nasa kanan niya ay hinahalikan siya habang ang nasa kaliwa naman ay unti-unting hinuhubad ang suot niyang suit dahil galing siya sa trabaho. Hindi sila nakatiis at naupo na lang sa sofa sa sala habang ako ay inila-lock ang mga bintana at pinto.
I'm used to this sight of him with his women. Masakit—No, sobrang sakit dahil matagal ko na siyang mahal but he can't see that. He's blinded by his own thoughts and anger towards his dad who forced him in this marriage.
Paakyat na sana ako nang mapahinto ako dahil nagsalita siya.
"Zia, wait!" Tawag niya habang abala ang dalawang babae sa katawan niyang natatakpan na lang ng suot niyang briefs at wala ng pangtaas. "Sa ibang kuwarto ka muna or you can just sleep here, kami muna ang gagamit ng kuwarto."
"Ano?!" Gulat na saad ko at napatingin sa dalawang babaeng nakangisi habang nakatingin sa akin.
"This is my house. You're just someone... not so special kaya bahala ka kung saang kuwarto ka matutulog, huwag lang sa master's bedroom," saad niya saka tumayo at muling inakay ang dalawang babae.
Master's bedroom ang tanging lugar na nagsasama kaming dalawa ng higit sa isang oras pero ngayon ay doon niya na naman dadalhin ang mga babae niya.
Thoughts are running on my mind as tears slowly fall from my eyes. Every time na nagdadala siya ng babae sa bahay ay umaakto ako na wala lang sa akin kahit na deep inside ay masakit. It hurts to see my husband having his precious time with his women but can't even spend five minutes with me.
KINABUKASAN ay maga ang mga mata ko nang magising ako. Sa sala ako nakatulog dahil sa kakaiyak at inabutan si Dos na nakaupo sa katapat na sofa nang hinihigaan ko habang nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib na nakatingin sa akin.
"Magluto ka na, nagugutom na kami," utos niya nang makitang gising na ako. "Ano? Titingin ka lang?"
Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay bumangon na ako at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal.
"Huwag kang sasabay sa amin," dagdag niya pa nang i-set ko ang mga plato at kubyertos sa mesa.
Namuo na naman ang luha sa mga mata ko dahil sa ginagawa niya. Matapos kong ihanda ang kakainin nila ay naligo ako at walang paalam na umalis. Pupunta ako sa mga kaibigan kong sina Kiera at Kiara. Si Kiera ang asawa ng kakambal ni Dos na si Uno o mas kilalang VJ.
"Oh, napasyal ka?" Bungad ni Kiera nang mag-doorbell ako sa bahay nila ng asawa niya. "Sakto at nandito rin si Kiara." Saka niya ako inakay papasok sa bahay nila.
"Oh my gosh, Caryl!" Tili ni Kiara nang makita ako at sinalubong ako ng yakap. "Girls' bonding! Buti at wala si VJ dito."
Napailing-iling na lang si Kiera sa sinabi ni Kiara saka nila ako pinaupo sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...