CHAPTER 21

4 1 0
                                    

ZIA

It's been weeks since that day at the bar — or should I say 'someone's' hideout. Ngayon ay nagkayayaan ang lahat na magbakasyon sa islang pag-aari ng pamilya ni Cloud, tamang-tama para sa announcement na gagawin ko mamaya.

"Ready?"

Napatingin ako kay Jasper na ngayon ay nakatayo sa pinto ng kwarto. Nakasuot ito ng cargo shorts at polo shirt na medyo hapit kaya kita ang hubog ng katawan.

Tumango ako at kinuha na ang travel bag na naglalaman ng mga gamit namin. Nang makalapit ay kinuha niya sa kamay ko ang travel bag at siya na ang bumuhat habang ang isang kamay niya ay humawak sa kamay ko.

Bumaba kami at nadatnan ang mga kaibigan namin na naghihintay sa sala. Tanging si Kiara at Razen lang ang naroon dahil hindi makakasama sila Kiera at VJ. Ilang araw pa lang kasi ang anak nila.

"Let's go," ani Jasper at sabay-sabay na kaming lumabas papunta sa kaniya-kaniyang sasakyan. Dalawang kotse ang naghihintay sa amin sa labas ng bahay.

"By the way, susubukan daw humabol nila Uno," ani Razen bago sumakay sa sasakyan niya kung saan nakasakay si Kiara.

Habang nasa byahe ay may ilang sasakyang sumabay sa amin na siguradong mga kaibigan ni Jasper. Napangiwi na lang ako nang nasa kalagitnaan kami ng traffic pero biglang gumawa ng way ang ibang motorista.

Sila pa yata ang nahiya dahil sa hilera ng mga mamahaling sasakyan na nasa likod nila — at kami iyon.

Dahil sa nangyari ay naging mabilis ang byahe namin papunta sa pier. Doon naghihintay ang ilang bangka na magdadala sa amin sa isla.

Halos lahat sa mga narito ay may kasamang mga bata kagaya ni North na may hawak na batang lalaki, gano'n din ang asawa niya. Kambal na lalaki ang anak nila.

Si Kaiden ay may kasama ring batang lalaki na hawak ng asawa habang si Jayden ay may dalawa rin — isang batang lalaki at isang batang babae.

Ang mga edad ng mga bata ay hindi nagkakalayo at mukhang mga nasa tatlo o apat na taong gulang ang mga ito, mayroon ding nasa isa o dalawang taong gulang.

Hindi pa kami nakakasakay nang may pumaradang isa pang sasakyan at napatili ako nang bumaba ro'n si Kiera na buhat ang anak.

"Late ba kami?" tanong ni VJ na buhat ang gamit nila.

Umiling si Cloud, "Just on time, buddy."

Nang marinig ng anak ni North at Kaiden si Cloud ay nanakbo ang dalawang bata rito.

"Tito Cloud!"

Napasimangot tuloy ang anak ni Cloud na babae. Nasa mukha nito ang inis sa dalawang batang lumapit sa ama.

"Dad, can we just go?" iritang tanong ng bata kay Cloud saka itinaas ang mga kamay na tila nagpapabuhat.

Binuhat naman ito ni Cloud, "Alright, baby." Saka hinarap ni Cloud ang dalawang bata, "We'll talk later."

Limang bangka ang sinakyan namin papunta sa isla. Todo takip ng lampin si Kiera sa anak habang nasa bangka kami.

Nakakainggit dahil kitang-kita ko sa mga mata nila ni VJ ang pagmamahal lalo na kapag napapatingin sila sa anak.

Hindi naman gano'n katagal ang naging byahe namin kaya nakarating agad kami sa isla kung saan naghihintay sa amin ang malaking resthouse na sa tingin ko ay magfi-fit ang higit sa singkwenta katao dahil sa laki.

"Welcome to our resthouse! Feel at home." Saka binuksan ni Cloud ang main door at bumungad sa amin ang maluwag na sala. Kasya kaming lahat sa sahig, huwag na sa sofa dahil kukulangin iyon sa dami namin.

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon