CHAPTER 2

8 1 0
                                    


ZIA

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa kaluskos mula sa banyo. Nang mapatingin sa pinto niyon ay sakto ring palabas si Jasper na tanging tuwalya lang ang takip sa ibabang parte ng katawan, wala ng iba.

Maganda ang katawan ni Jasper kaya hindi siya nahihiyang ipaglandakan iyon kahit kanino. Para nga siyang model, eh.

Malamig ang mga mata niya nang tumingin sa akin, "Why did you sleep early last night? Hindi kami nag-enjoy ng babae ko sa sala."

Hindi niya ako ginising. Hinayaan niya akong matulog.

Ramdam ko ang kaunting saya na nabubuo sa dibdib ko sa isiping kahit kaunti ay may concern pa rin siya sa akin.

"Why are you smiling? Nababaliw ka na ba?"

Doon nawala ang maliit na ngiti sa mga labi ko nang punahin niya iyon at kababakasan ng pagkainis ang tono ng pananalita niya.

"Ipagluto mo na ako ng almusal," utos niya saka dumiretso sa walk-in closet namin.

Bumaba na ako para magluto ng breakfast. Simpleng fried rice, egg at bacon lang ang niluto ko.

Habang inihahanda ang mesa ay narinig ko na ang yabag niya hudyat na malapit na siya. Pangiti na sana ako bago siya harapin ngunit naudlot iyon nang marinig na may kausap siya.

Pasimple akong sumilip upang tingnan siya. Nakasuot na siya ng suit na kadalasang suot niya kapag papasok sa opisina. Sinisipat niya ang relong pambisig na suot.

"Yes, baby? Uh, my out is around 5 to 7 pm," saad niya sa kausap habang pangiti-ngiti pa, "Don't worry, susunduin kita mamaya. I promised to take you out for dinner, right?" Nang tumingin siya sa akin at nahuli akong nakatingin ay biglang nabura ang ngiti sa mga labi niya. "Alright, baby. Bye." Saka nito ibinulsa ang phone.

Tumikhim naman ako upang itago ang lungkot at pagkapahiya, "B-Breakfast is ready."

"Obviously, it is. Nakatayo ka na riyan, eh." Saka niya ako nilagpasan at naupo na para kumain.

Habang nakatingin sa kaniya ay napaisip ako. Why do I have this kind of husband? Deserve ko ba ang ganitong trato? Hindi ko na maramdaman ang sarili ko kahit wala pang twenty-four hours nang tumira ako rito.

"Stop staring, nakakasira ng appetite."

Doon lang ako natauhan. Nang magawi ang mga mata ko sa mukha ni Jasper ay hindi na iyon maipinta habang may hawak na kubyertos.

"You're ruining my appetite, nakakawalang ganang kumain." Saka nito binitawan ang hawak na kubyertos at tumayo na. "I'm going. Iligpit mo na 'yan." At dire-diretso na siyang lumabas ng bahay.

And here I go again, mag-isa sa bahay na alam kong hindi ko matatawag na tahanan. A house that will never be a home for me.

Matapos alisin ang pinagkainan ni Jasper ay kumain na rin ako ng breakfast dahil kailangan kong asikasuhin ang negosyong itinayo ko — ang aking boutique.

Madalian lang ang ginawa kong kain at nagmamadaling umakyat sa kwarto para maligo. May bagong branch kasi akong bubuksan kaya kailangan ay maaga ako ngayon pero anong ginawa ko? Inuna ko na naman ang asawa ko kaysa negosyo na kaya akong buhayin kahit wala si Jasper.

Matapos maligo ay nagsuot ako ng plain black na blouse, pair of trousers at kulay cream na stiletto. Naglagay lang din ako ng polbo sa mukhang at kaunting lip balm saka kinuha ang sling bag ko.

Dumiretso ako sa kotse ko saka pinaandar iyon. Hindi nagtagal ang byahe dahil wala namang traffic. Dahil bagong bukas ang boutique ko ay dinagsa iyon ng mga mamimili.

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon