ZIADahil nalasing sila Jasper kasama ang mga kaibigan nila ay magkakatabi na lang kaming natulog nila Kiera at Kiara.
Kitang-kita ko ang saya sa mga mukha nila kahit mga lasing. Nang bumaba kasi ako noong nagdaang gabi ay nadatnan ko silang kaniya-kaniyang nakapwesto at nakahiga sa iba't-ibang sulok ng sala.
Mayroong nakahiga sa dalawang mahabang sofa, mayroon sa carpeted na sahig. Ngunit ang nakakagulat ay ang quadruplets na nadatnan ko sa kusina. Si North ay nakahiga sa upuang pinagdikit-dikit, gano'n din si West na nasa kabilang side ng mesa. Si South naman ay nasa island counter nakahiga habang si East ay parang bangkay sa pagkakahiga sa mahabang mesa.
Dahil sa dami nila ay halos sakupin na nila ang sala. Ayun at si Jacob nga ay nakangudngod na sa glass door na daan papunta sa garden.
Pero may mas nakakagulat pa! Dahil sinong mag-aakala na ang isang Vyn Jasper Montereal ay nakahiga ngayon sa tapat ng banyo rito sa kusina?
"Jasper," tawag ko at mahinang tinapik ang pisngi niya, "Jasper."
Tanging ungol lang ang isinagot niya at tinalikuran ako kaya dumiretso na lang ako sa ref upang kumuha ng malamig na tubig.
Ngunit nang isara ko ang pinto ng ref ay halos mapatili ako nang makita ang nakatayong si Blake.
Ngumiti pa ito at kumaway, "Hi, misis ni Dos."
Kung titingnan ay mukhang hindi ito lasing o nakainom man lang kaya gano'n na lang ang pagngiwi ko nang talikuran niya ako at akmang lalakad nang bigla siyang madapa pasubsob sa sahig.
Napaungol pa siya pero hindi na bumangon at ilang sandali lang ay humihilik na siya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil saan ka makakakita ng mga bilyonaryong ganito matulog kapag magkakasama? Parang mga bata lang sila na natulog sa playground.
Iiling-iling na nilagpasan ko sila at bumalik ng kuwarto. Kinabukasan ay maaga kaming nagising nila Kiera at bagsak pa rin sila VJ sa sala.
Nang mapunta ako sa kusina ay halos mapahalakhak ako nang makitang wala na si Jasper sa sahig sa tapat ng banyo dahil ngayon ay nasa mesa na siya at kayakap si East.
"Shet, sanaol," bulong ni Kiera na tatawa-tawa habang nakatingin sa dalawang nasa mesa.
Natigilan naman sila nang makita si South sa island counter habang ako ay akmang lalagpasan ang mesa kung saan nakahiga si East at Jasper nang sabay-sabay na manlaki ang mga mata namin sa ginawa ng dalawa.
Kita ko ang paggapang ng mga kamay ni East papunta sa dibdib ni Jasper na tila may hinahanap habang ang mga kamay naman ni Jasper ay gumapang din papunta sa likod ni East at kasunod niyon ay hinawakan niya ang pang-upo nito.
Humihimas ang mga kamay ni East sa dibdib ni Jasper habang pumipisil naman ang mga kamay ni Jasper sa pang-upo ni East.
Hindi na namin napigilan ang malakas na pagtawa dahilan upang magising ang mga kalalakihan pati si East at Jasper. Nang makita nilang magkayakap sila ay sabay nilang itinulak ang isa't-isa kaya pareho silang nahulog mula sa mesa.
"Fvck!"
"D*mn it, Cerverano! Ang aga-aga, ang halay ng kamay mo!" asik ni Jasper nang makabangon mula sa pagkakahulog.
Masamang tingin naman ang ipinukol ni East kay Jasper, "Hoy, dibdib nga lang nahawakan ko sa 'yo! Eh ikaw, kamay mo nasa pwet ko! Sinong mas mahalay ang kamay sa ating dalawa?!"
"Both!"
Bigla kaming napatingin sa mga kalalakihang sabay-sabay na sumagot. Sabay na nalukot ang mukha ni Jasper at East habang si South ay pupungas-pungas pa sa island counter na mukhang nagising lang dahil sa sabay-sabay na pagsagot ng mga kalalakihan.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...