CHAPTER 19

5 1 0
                                    


ZIA

Natapos ang gulo sa labas ngunit si VJ lang ang sumundo sa amin sa kwarto sa likod ng bahay.

Nagtataka naman akong nagtanong, "Nasaan si Jasper?"

Napaiwas ng tingin si VJ habang inaalalayan ang asawa, "He left. Nagmamadali siya kanina nang umalis. Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta kaya sinusubukang i-track ni West ang lokasyon ni Dos."

Nataranta naman ako sa sinabi ni VJ at nagmamadaling lumabas. Didiretso na sana ako sa main door nang awatin ako ni Razen at South.

"You can't leave this house for now," ani South na ikinalingon ko.

Salubong ang kilay ko nang magtanong, "What? Why? Nawawala si Jasper tapos ayaw niyo akong palabasin?"

"Because it's too dangerous for you to be outside this house!" Nakita ko si Kaiden na tumayo at naglakad palapit sa akin, "Before Dos left, ibinilin niya na huwag kang hahayaang lumabas ng bahay ni Uno."

Binitawan na ako ni Razen at South kaya tuluyan kong hinarap si Kaiden, "What's so dangerous being outside? Ano nga ba ang mangyayari if I step outside this house?"

"Don't try me, Mrs. Montereal." Seryoso na si Kaiden nang sabihin 'yan dahilan upang makaramdam ako ng takot.

"If anything happens to any of you, parte ka man ng organisasyon o hindi, kargo ko 'yon at konsensya ko 'yon dahil una sa lahat, ako ang bumuo ng organisasyong kinabibilangan ng asawa mo. Parte siya at madadamay at madadamay ka kahit labas ka sa problema."

Pilit na sumisiksik sa utak ko ang lahat ng binibitawang mga salita ni Kaiden.

"So whether you like it or not, you will stay here in this house dahil dito unang pupunta si Dos para balikan ka."

Wala akong nagawa kung 'di ang maupo dahil kahit siguro sumubok akong lumabas ay wala akong laban kung may labingwalong kalalakihan ang haharang sa pinto.

"Just wait for him, Caryl. Mas safe ka rito kaysa sa bahay niyo," ani Kiera saka tumabi sa kaniya, "Isa pa, Kaiden was right. Baka magwala si Jasper kung hindi ka niya abutan dito."

May punto naman sila at naiintindihan ko 'yon. Pero bakit hinayaan nilang mag-isa si Jasper?

"Kung concern kayo sa mga mangyayari, bakit hinayaan niyong umalis mag-isa si Jasper?" pabulong lang iyon dahil wala akong lakas upang manumbat sa kahit sino sa kanila.

Una sa lahat, kahapon lang kami nagkakilala at wala akong alam sa organisasyon nila.

"Hindi namin alam na umalis siya. Nalaman lang namin nang tumawag si North dahil si North ang nakakita, nasa bubong siya, eh," katuwiran ni Izaak, "Sinubukan naman naming habulin pero hindi na namin nasundan kaya sinusubukang i-track ni West ang phone ni Dos."

Nang balingan ko si West ay abala ito ngayon sa kaharap na laptop. Mabibilis ang mga daliring tumitipa sa keyboard.

"Just keep yourself safe, Pat. Uuwian ka rin ni Dos," ani Razen nang mapansin ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

"Stay here, Caryl," ani VJ habang nakatayo sa likod ni Kiera, "Welcome ka naman dito. Hindi mo kailangang umalis lalo na ngayong delikado at magulo. Let's just wait for Dos to come back."

Habang naghihintay kami ay naging tahimik ang paligid. Walang sumubok mag-ingay o magsalita. Lahat ay nakatikom ang mga bibig.

Ngunit nabasag ang katahimikan na iyon nang magsalita si West, "I'm having a hard time tracking Dos' phone."

"Try again, brother-dear," ani East saka tumabi kay West upang tingnan ang ginagawa nito.

Ngayon ay pareho nang nakatutok ang mga mata ng dalawa sa screen ng laptop. Tahimik namang nakamasid si North sa labas ng bahay habang may hawak na baril.

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon