ZIAInabot ng ilang buwan ang pag-stay ko sa bahay ni Razen. Nagkaroon ako ng sariling kwarto at mga gamit sa bahay niya. Si Razen din ang tumayong asawa ko nitong nakaraang mga buwan, lalo na sa mga pagkakataong kailangan ko ng escort sa mga event na pinupuntahan.
Hindi siya pumalya sa pagpaparamdam sa akin na kaya niyang magpaka-asawa na dapat ay si Jasper ang gumagawa.
Hindi rin ako nagparamdam kay Jasper dahil gusto ko siyang gulatin kapag nagpunta ako sa bahay niya sa Laguna or 'di kaya ay sa Manila.
Sa ngayon ay naging busy ako dahil sa isang fashion show week kung saan naimbitahan ako bilang judge dahil sa sumisikat na boutique ko.
At dahil isa akong boutique owner na dadalo bilang judge, required ang mag-ayos. Sasamahan din ako ni Razen sa pagpunta sa venue.
"Ready, gorgeous?" nakangiting tanong ni Razen matapos akong ayusan ng mga stylist na pinapunta ko sa bahay niya.
"Yes, handsome," nakangiti ring tugon ko.
Nakaalalay siya sa akin habang pababa kami ng hagdan habang nakasunod naman ang mga stylist.
"Mauuna na po kami, Ma'am," paalam nila nang makababa kami sa sala.
Tumango naman ako, "Thank you, guys."
Nakangiti naman silang lumabas ng bahay kaya kami na lang ni Razen ang naiwan.
"Zen, thank you," nakangiting saad ko nang harapin si Razen.
Lalo siyang gumwapo sa suot niyang suit na ipinares sa suot kong gown na hapit sa katawan ko. Pero kahit naman yata ano ang isuot niya ay gwapo na siya.
The past few months was a struggle for me. Kung wala si Razen ay baka nabaliw na ako.
Hinaplos ko ang pisngi niya, "Ang dami ko ng utang sa 'yo. Paano ba kita mapapasalamatan?"
Umangat ang sulok ng mapupulang mga labi niya saka bumulong na sapat lang para marinig ko, "Kiss me."
Nahampas ko siya sa balikat, "'Yong seryosong sagot, Zen."
"I'm serious, Pat," seryosong anas niya, "You're asking me kung paano mo ako mapapasalamatan, 'di ba? Then kiss me."
"Masisira ang make-up ko," sagot ko na muling ikinangisi niya.
"Edi ipaayos nalang ulit natin," saad niya at siya na ang lumapit upang tawirin ang pagitan ng mga labi namin.
Ang mga kamay niya ay yumapos sa baywang ko at inilapit pa ako sa kaniya habang magkalapat ang mga labi naming dalawa.
Ang mga kamay ko naman ay kusang kumapit sa balikat niya habang sinasalubong ang mga halik niya.
Nang maramdaman niya ang pagtugon ko ay mas nilaliman niya ang halik na ibinibigay sa akin habang ang mga kamay niya ay marahang pumipisil sa baywang ko.
Kung hindi pa kami naubusan ng hangin ay hindi pa bibitaw si Razen na ngayon ay nakangisi ulit.
"You kissed me back, Pat," nakangising anas niya na parang bago iyon, "You kissed me back!" Saka siya parang batang umiikot-ikot sa sala.
Nagmumukha siyang kiti-kiting nakasuot ng suit dahil sa likot niya. Para siyang bata na nakakuha ng prize sa palaro.
Nang mahimasmasan ay bumalik siya sa harap ko na ngiting-ngiti, "Let's go? Baka hinihintay ka na sa venue."
"Wait!" pigil ko saka tiningnan ang sarili ko sa salamin kung nasira ba ang make-up ko dahil sa kaharutan ni Razen.
Nang makitang ayos naman ang hitsura ko ay lumapit na ako kay Razen. Agad niya namang hinawakan ang kamay ko at nakaalalay siya nang lumabas kami ng bahay.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomansaWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...