CHAPTER 22

9 1 0
                                    

ZIA

Matapos ang announcement na naganap, dagdag pa ang pagka-curious ng mga bata ay nagkaniya-kaniyang balik na kami sa mga ginagawa.

Si Jasper ay iniwan ako rito sa kwarto dahil tutulungan ang mga kaibigan niya sa baba. Habang nakahiga ay napabangon ako nang may kumatok sa pinto.

"Bukas 'yan!" sagot ko at mula roon ay sumilip si Kiara.

"Would you mind if we go inside?" tanong nito at binuksan ang pinto. Doon ko lang nakita ang mga kababaihang nasa likod niya.

"Nope," umiling ako, "I don't mind."

Pumasok naman sila at halos mapuno ang kwarto dahil sa dami naming nasa loob.

"I'm AJ, Kaiden's wife." panimula ng isang babae na ipinakilala na sa akin ni Jasper kanina.

"Camille here, Izaak's wife and Jacob's cousin."

"Karina, Jacob's wife."

"JD is the name, Cloud's wife and youngest sister of Kuya Jayden and Kuya Jeydon."

Maging si JD ay kilala niya na dahil naituro at naipakilala na rin ito ni Jasper sa akin kanina lang din.

"Ako naman si Cailanie, asawa ni Matt."

"Ayanie, North's wife."

"I'm Euriane, just call me Yuri. South's wife."

"I'm Irene, East's wife."

"Andrea, kinababaliwan ni West."

Natawa ako sa sinabi ni Andrea at maging ang ilang kababaihan sa kwarto ay nakitawa na rin.

"Clea here, Blakey's wife."

"Hillary, babae ni Storm... Just kidding, I'm his wife."

"Aliyah, Irene's bestfriend, Yuri's twin and Ash's wife."

"Val here. Pinagkamalan ni Ate Ayanie na babae ako ni Kuya North but I'm not. I'm their youngest and only sister and Jayden's wife."

"Klaire, pinagkamalang sahig ng asawa kong si Jeydon." Nakangiwi ito nang sabihin iyon, "He got drunk and talk to the floor like I was the one he's talking to."

Napuno ng tawanan ang kwarto dahil sa sinabi ni Klaire. Even JD agreed about what Klaire said.

"I'm Cassy, Brayden's wife."

"And I'm Monique, Archie's wife. You are?"

"I'm Patrizia Caryl Fernandez, Jasper's girlfriend." pakilala ko sa sarili at napatango-tango naman sila.

"Anyway, we came here dahil may sariling mundo ang boys sa baba. They're talking about something at ayaw nilang ipaalam sa amin." Lukot ang mukha ni Karina nang sabihin iyon.

"Looks like they have plans against us," anas naman ni Irene, "Masasakal ko talaga si East kapag kalokohan ang pinaplano nila."

Battered husband kaya si East? Mukhang palaban itong asawa niya.

"True, baka sa sala ko pa patulugin si Brayden kapag nagkataong mapikon ako sa gagawin niya," ani Cassy na hindi rin maipinta ang mukha.

Napatingin naman ang iba kay Kiara na tahimik sa isang gilid.

"How about you, girl?" tanong ni AJ, "What's the real score between you and Razen?"

"Oo nga," segunda pa ni Andrea, "Ikaw lang yata at si Razen ang single dito."

"We're... just friends." Hindi makatingin si Kiara sa mga ito at namumula na ang mukha niya.

Ganyang-ganyan siya noon at wala pa ring pinagbago hanggang ngayon. Iba talaga ang epekto ni Razen sa kaniya. Si Razen naman, parang ang manhid na ewan. Si Kiara na 'yan, oh. Aayaw pa ba siya?

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon