ZIANang makapagpahinga na ang lahat ay nagkaayaan na mag-swimming dahil hindi gano'n kainit kaya hindi rin gano'n kasakit sa balat ang araw.
Nagsuot ako ng rushguard at shorts nang biglang pumasok sila Kiera at Kiara na naka-two piece. Si Kiera ay naka-navy blue habang naka-black naman si Kiara.
"Ano 'yan, Caryl?!" Nalukot ang mukha ni Kiara habang nakatingin sa suot ko, "Mag-swimming ka na ganyan ang suot? So old fashion, huh? Para kang manang."
Bumaling ito kay Kiera at nagtanguan sila saka inilabas ang dalang paper bag, "Good thing we bought one for you," kinikilig na saad ni Kiara saka nila ako pinagtulungan ni Kiera na ibalik sa loob ng banyo at iniwan ang paper bag sa lababo.
"Hindi ka makakalabas dito hanggat hindi mo sinusuot 'yang laman ng paper bag!" sigaw ni Kiera mula sa labas, "And please, faster! Naghihintay na si VJ at Razen sa lobby."
Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero mukhang ni-lock nila sa labas kaya nakasimangot kong binuksan ang paper bag at sumalubong sa akin ang maroon na two piece.
"Wear it na, Caryl! We're bored here na!" sigaw ni Kiara.
Nagdalawang isip pa ako kung isusuot o hindi pero dahil wala akong choice ay inalis ko na ang suot at ipinalit ang two piece na binili nila.
"Tapos na!" sigaw ko pabalik kaya binuksan na nila ang pinto.
"Shocks! Ang sexy!" tili ni Kiara nang makita ako habang tatango-tango naman si Kiera na mukhang satisfied na sa nakikita.
"Tara!"
Sabay nila akong hinila palabas ng banyo at halos kaladkarin nila ako hanggang sa makarating kami sa lobby.
Pagdating sa lobby ay magkatabing nakatayo ang dalawang lalaki na parehong naka-polo at board shorts.
Natigilan si Razen nang makita ang suot ko habang si VJ naman ay agad na lumapit sa asawa at ipinulupot ang braso sa baywang ni Kiera.
"Pat, you look… gorgeous," ani Razen nang pasadahan ako ng tingin, "But too revealing." Hinubad niya ang polo na suot saka 'yon ipinasuot sa akin.
"Hmp! Dapat pala nagdala ako ng balabal ko!" ani Kiara at napairap sa kawalan kaya napatingin ako kay Kiera na ngayon ay suot na rin ang polo ni VJ.
Ang nangyari tuloy ay nagmumukhang giraffe ang mga kababaihang nadadaanan namin dahil parehong walang pantaas si VJ at Razen.
Parehong maganda ang katawan ni VJ at Razen. Malapad na balikat at dibdib. Biceps at abs na nakalantad sa mga mata ng mga kababaihan.
Habang naglalakad ay nasa pagitan namin ni Kiera si Kiara habang nasa magkabilang gilid naman ang dalawang lalaki.
Binulungan ko si Razen habang naglalakad kami, "Masyado kang agaw-pansin, Zen. Magiging giraffe ang mga babae ng wala sa oras."
Natawa naman siya sa sinabi ko at binalewala ang mga babaeng tumitingin sa kaniya.
Nang makarating sa tabing-dagat ay inalis ko na ang polo ni Razen na suot ko saka lumusong sa tubig.
Nag-aagaw ang lamig ng tubig at init na nagmumula sa araw kaya ayos lang para sa akin ang temperature.
Sumunod na rin sila at nagkatuwaan kami habang naliligo.
"Shall we play a game? Ako ang referee since I'm the one who doesn't have a partner here," ani Kiara saka gumitna, "You boys, bubuhatin niyo sa balikat niyo ang girls at magtutulakan naman ang girls. Ang matumba, may dare!"
Since we have nothing to do but enjoy our stay, we agree na laruin 'yon bilang pampalipas oras.
Binuhat na ako ni Razen sa balikat niya at gano'n rin si Kiera na nakaupo na sa balikat ng asawa.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...