ZIAMatapos kong iwan kay Jasper ang annulment paper ay kinuha ko na ang lahat ng gamit ko sa bahay at dumiretso sa bahay nila Kiera. Basa ng luha ang mukha ko matapos ang sagutan namin ni Jasper at hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko.
"Caryl," gulat na anas ni VJ nang mapagbuksan niya ako ng gate nila. Nang bumaba ang mga mata niya ay nakita niya ang mga gamit ko kaya agad niya akong tinulungang ipasok ang mga iyon, "Kiera! Nandito si Caryl!"
Agad na lumabas si Kiera mula sa kusina at gulat din ang rumehistro sa mukha niya nang makita ako at ang mga gamit kong bitbit ng asawa niya.
"What happened?" nag-aalalang tanong niya nang lumapit siya sa akin, "Did he kick you out of his house?"
Malungkot na umiling ako, "I already file an annulment. Iniwan ko na kay Jasper ang annulment paper. For sure, pipirmahan — oh, wait! Baka nga pinirmahan niya na 'yon the moment I left his house in Manila."
"His house in what?" hindi makapaniwalang anas ni Kiera, "May bahay siya sa Manila?"
Nang lingunin ko si VJ ay nasa mukha niya rin ang pagtataka, "I didn't know na may bahay siya sa Manila."
Gusto kong sabihin na sinubukan ding magpanggap ni Jasper na si VJ pero nanatili na lang akong tahimik tungkol doon. Ayaw ko na magkagulo pa silang magkapatid dahil lang sa gulong sa amin naman talaga nag-umpisa ni Jasper.
"You can stay here, Caryl," ani Kiera saka bumaling sa asawa, "VJ, dalhin mo na 'yong gamit ni Caryl sa taas, doon sa guestroom. Please?"
Tumango lang si VJ at kinuha lahat ng gamit ko saka inakyat iyon sa second floor nila kung nasaan ang guestroom.
Pinaupo ako ni Kiera sa sofa saka siya tumabi sa akin, "Tell me, Caryl. What happened?"
"Three years, Kiera. Three years akong pinagmukhang tanga ni Jasper. Bawat araw ay paulit-ulit niyang ipinapaalala sa akin na papel lang ang nagdudugtong sa akin," umiiyak na kwento ko kaya niyakap na ako ni Kiera, "He didn't love me. Kahit anong gawin ko, Kiera, ni minsan hindi niya ako minahal."
"Shh," pag-aalo ni Kiera habang hinahaplos ang likod ko. "It's gonna be okay, Caryl. I know you're strong, kaya mo 'yan. Isa pa, lalaki lang si Jasper. Marami pang iba riyan."
Hinayaan ako ni Kiera na umiyak sa balikat niya hanggang sa kumalma na ako at kusa ng lumayo sa kaniya. Pinunasan niya ng mga kamay niya ang basang mukha ko.
"Don't cry, Caryl. Masyado kang maganda para umiyak," dagdag pa niya nang hawakan ang magkabilang pisngi ko, "Smile na, sissy ko."
Natawa na ako dahil pinanggigigilan na ni Kiera ang pisngi ko at ilang sandali pa ay dalawa na kaming tumatawa. Inabutan pa kami ni VJ na naghaharutan sa sofa kaya iiling-iling siya nang lagpasan kami at dumiretso sa kusina nila.
"Hindi ba nakakahiya kung dito muna ako?" tanong ko kay Kiera nang matahimik kaming dalawa, "Ayaw ko kasi muna sanang umuwi sa bahay ng parents ko. Ayaw ko munang malaman nila ang naging desisyon ko sa kasal namin ni Jasper."
Tumango naman si Kiera, "I told you, our house is open for you. Anytime ay pwede ka rito, hindi ka na iba sa amin, eh." Saka siya bahagyang lumapit sa akin at bumulong, "At wala ring choice si VJ kung pumayag akong dito ka."
Napahagikgik pa siya sa huling sinabi na ikinatawa ko. Hindi ko alam na under pala si VJ nitong kaibigan ko. Nakakatawa naman at ang cute lang ding tingnan na bad boy ang image ni VJ pero under sa asawa.
Nang sumapit ang gabi ay kasabay kong kumain ang mag-asawang si Kiera at VJ. Doon ko napagtanto na kahit basagulero si VJ ay maalaga at maasikaso ito kay Kiera, hindi kagaya ni Jasper na pa-good boy ang image pero babaero naman.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...