ZIADUMATING ANG ARAW NG UWI NI RAZEN.
Naghanda kami ng surpresa nila Kiera at Kiara. Ang plano, imbes na idiretso si Razen sa kanila, sa resort kami didiretso bilang pa-welcome home party sa kaniya.
"Caryl!" Nagtatakbo palapit sa akin si Kiara habang naiiling naman na nakasunod si Kiera, "Oh my gosh! I'm so excited na makapag-bonding ulit tayong apat!"
Kitang-kita ko ang saya ni Kiara at dumiretso na sa van na gagamitin namin papuntang airport.
Bahala si Jasper kung hanapin niya ako o hindi, basta sasalubungin ko si Razen.
Nagsisakay na kami sa van at ginawang driver ang asawa ni Kiera na kambal ng asawa ko saka kami agad na nagpunta sa airport dahil sa mga oras na 'to ay siguradong naghihintay na si Razen.
Hindi rin nagtagal ang byahe at nakarating kami agad. Tawang-tawa kami nang makita na namin si Razen na halatang naiinip na habang nakatayo.
Pinagtitinginan pa siya ng mga dumadaang kababaihan dahil maliban sa matangkad ay guwapo rin at maganda ang hugis ng katawan. Wala kang itatapon sa kahit anong parte.
Nang makababa ng van ay agad kaming tumakbo na parang mga bata papunta kay Razen. Ganito kami noon kapag pupunta siya para makipaglaro sa amin.
"Zen!"
Sabay-sabay na sigaw namin at dinamba siya ng yakap. Ngunit hindi na nakapalag si Kiera nang buhatin siya ni VJ palayo kay Razen.
"That's enough, Kiera," nakasimangot na anas nito sa asawa.
Si Razen naman ay tatawa-tawa rin nang guluhin ang buhok ni Kiara saka bumaling sa akin.
"Pat," nakangiting tawag niya saka yumakap sa akin sabay bulong sa tainga ko, "I missed you."
"Hoy!" biglang singit naman ni Kiera at pinaghiwalay kami ni Razen, "Tama na 'yan at halina kayo ro'n sa van."
Para hindi na makadikit pa si Razen sa akin ay hinila na ito ni Kiara habang hila-hila naman ako ni Kiera.
Nang makasakay ang lahat ay pilit naming patulugin si Razen.
"Zen, pahinga ka muna, pagod ka sa byahe, 'di ba?" ani Kiara na tatango-tango pa, "Pikit na."
Naguguluhan namang tumingin sa amin si Razen.
"Ah basta," singit ko, "Pahinga ka muna, wala naman kaming gagawing kalokohan. Nakabantay ang asawa ni Kiera oh." Sabay turo ko pa kay VJ na nasa driver seat.
Kahit naguguluhan ay tumango na lang siya at pumikit. Ngingisi-ngisi naman kaming umayos ng upo at hinintay na lang na makarating sa resort.
Nang makarating ay sabay-sabay kaming nag-ingay upang magising si Razen siya siyang ikinagulat niya.
"What the fvck?!" Sa gulat ay bigla siyang tumayo at nakalimutang nasa loob siya ng van kaya nauntog siya, "Sh*t!"
Masamang tingin ang ipinukol niya sa aming tatlo nang mahimasmasan siya saka napatingin sa paligid.
"Nasaan tayo?"
"Edi nasa beach," ani Kiera saka sinundan ang asawang bitbit na ang gamit nila.
Kinuha na rin ni Kiara ang gamit niya at sumunod sa kakambal kaya kinuha ko na rin ang akin nang biglang hawakan ni Razen ang palapulsuhan ko.
"Alam ba ng asawa mo na nandito ka?" biglang tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin at piniling huwag sumagot, "Do you know that this can be considered as cheating?"
"Wala namang pakialam 'yon," mahinang sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya, "Isa pa, kasama naman natin si Kiara, si Kiera, saka si VJ."
Napatango-tango na lang siya at siya na rin ang kumuha ng gamit ko saka lumabas. Bitbit niya sa isang kamay ang gamit ko habang sa kabila naman ang gamit niya.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...