ZIA"Oh my gosh, Caryl! You're back!"
Iyan ang sumalubong sa akin nang pumunta kami ni Jasper sa bahay ng mag-asawang Kiera at VJ. Malaki na ang tyan ni Kiera ngayon dahil buntis pala siya nang umalis ako.
Narito pala si Kiara na siyang tumili nang makita akong pumasok. Nakangiti si Kiera at VJ, maging si Razen na nandito rin.
"You're back, my dear twin," nakangising salubong ni VJ kay Jasper.
Natawa naman si Jasper, "Sinong hindi uuwi kung ito ang sumundo sa akin?" Sabay turo niya sa akin.
Inikutan naman ako ni Kiera saka hinila patabi sa akin si Kiara, "Something's off with the two of you. Pareho kayong blooming."
Sabay na naubo si Jasper at Razen kaya doon tumuon ang tingin ni Kiera at makahulugang bumaling sa asawa.
"Are we expecting babies after nine months?" biglang singit ni VJ, "Kasi ang sa amin ay kabuwanan na ni Kiera, so we expect the baby this month."
Nag-iba ang kislap ng mga mata ni Jasper nang marinig ang sinabi ni VJ, "Congrats, Uno. Dad will be very happy."
"How about you, Dos? Magiging lolo ba ulit si Dad after nine months?"
Nagkibit balikat naman si Jasper, "Who knows kung may nanalo sa race."
"How about you, my dear twinny?" Nakataas ang isang kilay ni Kiera nang ituro si Kiara, "You need to explain something to me." Saka nito sinulyapan si Razen na ngayon ay nakayuko na at namumula ang mga tainga.
Nakagat naman ni Kiara ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin.
"I do understand why Caryl is blooming. Natural lang iyon lalo na at mahal naman nila ni Jasper ang isa't-isa," panimula ni Kiera, "But what I don't understand is how did you and Razen ended up doing that? Since we were kids, you two don't like each other that much."
"I like him," pahabol na bulong ni Kiara na ikinahinto ni Kiera. Maging ako ay natigilan dahil rinig na rinig ko ang sinabi niya.
"You… what?" Nagtatakang pumaling si Kiera at sinilip ang mukha ni Kiara, "Are you serious?"
Tumango-tango si Kiara habang malayo ang tingin, umiiwas sa nagtatanong na mga mata ni Kiera.
"We'll talk later," ani Kiera saka bumaling sa akin, "So how's your trip?"
Ngumiti naman ako, "At first, mahirap hanapin si Jasper. But who would've thought na makakabanggaan ko siya sa mall sa Paris?" Saka ako natawa, "We also stay in the same hotel and same floor without knowing."
"Woah!" Bakas ang amusement sa mga mata ni Kiera nang marinig ang sinabi ko, "Destiny! Oh my gosh!" Saka siya kinikilig na lumapit sa akin at hinila ako paupo sa sofa, "Tell me more."
Kinwento ko sa kaniya ang mga nangyari maliban sa intimate scene ng nangyari sa amin ni Jasper.
"Aww, ang cute niyo," komento ni Kiera matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari, "You really love each other, huh?"
Tumabi naman sa akin si Jasper at gano'n din si VJ na ngayon ay humahaplos na sa tyan ni Kiera.
Tahimik namang nakaupo si Razen at Kiara na parehong hindi makatingin sa amin.
"So when is the wedding?" tanong naman ni VJ habang nakahawak pa rin sa tyan ng asawa saka tiningnan si Jasper, "Siguro naman ay hindi na labag sa loob mo ang magpakasal kay Caryl?"
Natawa naman si Jasper, "Never naman naging labag sa loob ko ang magpakasal sa kaniya. Kinailangan ko lang magpanggap dahil sa misyon ko."
"That's good to hear." Ipinatong ni VJ ang ulo sa balikat ni Kiera, "So when do you plan to get married for real?"
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...