ZIAIt's been how many months since that day na umalis ako ng Pilipinas, at ngayon ay nasa Paris ako.
I'm still hoping to see Jasper, kahit parang ang labo. Sa ilang buwan na palipat-lipat ako ng bansa kakahanap kay Jasper, minsan ay dinadalaw ako ni Razen, Kiara or ang mag-asawang si Kiera at VJ.
Tuwing napupunta rito ang mag-asawa upang dalawin at kumustahin ako ay hindi ko kinakalimutang magtanong kung may update o alam na ba nila kung nasaan si Jasper ngunit iisa pa rin ang sagot — walang balita at walang nakakaalam kung nasaan siya.
Hindi madaling maghanap ng taong nagtatago pero para sa akin ay hindi rason 'yan para tumigil ako.
Kagaya ngayon, naglalakad-lakad ako sa loob ng mall dito sa Paris nang mag-ingay ang phone kong nasa loob ng sling bag na dala ko.
Nang tingnan ko iyon ay nakitang si Razen ang tumatawag.
"Hello, Zen?" bungad ko nang sagutin ang tawag.
"Pat, help!" sigaw niya mula sa kabilang linya, "Pagsabihan mo nga itong si Kiara, binubugbog na naman ak— ouch! Fvck! Kiara, stop it!"
Rinig ko ang ingay ni Kiara mula sa kabilang linya na mukhang nakikipag-away na naman kay Razen. Mula noong mga bata pa lang kami ay ganyan na sila kapag silang dalawa lang ang magkaharap.
"Pat, help me! Pat!"
Nailayo ko ang phone sa tainga ko dahil sa muling pagsigaw ni Razen.
"Kiara, ano ba?! What the fvck is wrong with you?!"
"Ikaw! Nakakainis ka, eh!" rinig kong sagot ni Kiara na ikinatawa ko.
"Ayaw ko na, iuuwi na kita ro'n sa kakambal mo! Ang sakit mo sa ulo at sa katawan!"
Napahalakhak na ko sa tono ng pananalita ni Razen. Para itong batang nagdadabog.
Nang mapadaan sa isang shop ay may nakita akong taong tila pamilyar sa akin. Nakatalikod ito sa pwesto ko. Ang likod, hulma ng katawan, pati ang tangkad ay pamilyar.
Akmang lalapitan ko ito nang marinig ko na naman ang pagsasagutan ng dalawa mula sa kabilang linya kaya naiiling na pinatay ko ang tawag.
"Parang mga bata," natatawang saad ko nang ibalik sa bag ang phone.
Nang tingnan ko ulit ang taong nakita ko kanina ay wala na ito. Nasaan na kaya 'yon?
Binalewala ko na lang dahil hindi naman ako sigurado kung siya 'yon. Nag-ikot-ikot pa ako sa loob ng mall habang ang mga mata ko ay malikot na naghahanap at tumitingin sa mga taong nakakasalubong at nakakasabay ko.
Nasaan ka na ba kasi Jasper?
Kung saan-saan na ako sumuot sa airport hanggang sa makaramdam ako na naiihi. Patakbo na ako sa banyo nang may makabangga akong palabas sa men's restroom.
"Oh my! I'm so—"
"Zia?"
One word, it was just one word pero parang tumigil lahat. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko na ang taong ilang buwan kong hinahanap.
"Jasper?!"
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad siyang dinamba saka yumakap. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko habang nakayakap sa kaniya.
"Woah!" Muntik pa kaming matumba dahil sa pagdamba ko sa kaniya pero kalaunan ay naramdaman ko ring niyakap niya ako pabalik, "What are you doing here?"
Hindi ko na siya masagot dahil humihikbi na ako habang nakasubsob sa leeg niya.
"Hey," tawag niya at ibinaba ako saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nagulat pa siya nang makita akong umiiyak, "Hanggang dito ba naman ay pinapaiyak pa rin kita? Why are you crying?"
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...